Secret 38

464 19 7
                                    


"Ayoko."

"Mika."

"Narinig mo ako Charleen diba? Ayoko."

"Mika eto yung mas nakakabuti para saating dalawa!"

"Anong nakakabuti? Anong nakakabuti sa papakasalan mo si Chris?! Anong nakakabuti sa iiwan mo ako?! Anong nakakabuti sa paghihiwalay natin?! Ipaliwanag mo naman Charleen, kasi kahit anong gawin ko wala akong makitang nakakabuti sa pagalis mo. Sa pagiwan mo saakin, sa pagpapakasal mo kay Chris."

Iyak ni Mika, unti unti narin naman tumulo ang luha ni Charleen.

"Mika..hindi ka niya titigilan! Naiintindian mo ba iyon?! Hindi ka niya titigilan hanggang sa mawala ka! Hanggang sa mamatay ka!"

"Bullshit! Sa ginagawa mo ngayon para mo na akong pinapatay ng paulit ulit! Alam ba yon ah? Mas masakit yang desisyon na iyan keysa sa lahat ng sugat na natamo ko sa buong buhay ko. Wala ng mas sasakit pa sa gusto mo ngayon, sa kagustuhan mo nalang na umalis-"

Napatigil naman si Mika sa susunod na sinabi ni Charleen.

"Hindi mo ba nakikita, Mika?! Na kahit anong pilit natin. Hindi sumasangayon ang destiny, laging umeepal ang tadhana, laging kontra ang kismet, laging ayawnni serendipity! Baka kasi hindi pa ngayon yung panahon para saatin!"

"Ayaw mo na ba?" Biglang tanong ni Mika.

"May pagpipilian pa ba?"

Sa sagot ni Charleen doon na nag sink in kay Mika ang lahat.

Tangina may pagpipilian pa ba?

May magagawa pa ba? Oo sana...kaya lang...may pagpipilian pa ba? Maliban sa tanggapin ang mga salitang...hanggang dito nalang?

"Sige, kung diyan ka masaya. Kung yan ang naiisip mong tama. Sige. Sige."

Sabi ni Mika at naglakad na palabas ng bahay ni Mika, bawat hakbang parang sinasaksak siy. Bawat hakbang parang sinasampal sakanya ang katotohanan na kapag lumabas siya mawawala na sakanya si Charleen.

Hindi niya kaya.

Kaya patakbo itong bumalik kay Charleen.

"Charleen, kung dumating na yung panahon na may pagpipilian ka na, pipiliin mo na ba ako? Ipaglalaban mo na ba ako?"

"Oo."

"Hihintayin ko yun"

"Hihintayin natin yun."

Sabi pa ni Charleen na mas lalong nagpaluha kay Mika.

---

"Mika! Sinasabi ko na nga ba, dito lang kita makikita eh."

Sabi pa ni Rad kay Mika, na nakaupo sa gilid ng daan.

Pero hindi parin ito nagsasalita at patuloy lang sa pagiyak.

"Ano bayan, Mika. Pati sintas ng sapatos mo oh."

Sabi ni Rad at tinali ang sintas ng sapatos ni Mika.

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Where stories live. Discover now