Secret 39

472 18 15
                                    


"Halika na Mika, balik na tayo ng hospital." Mahinahon na sabi ni Rad dito, pero wala. Patuloy lang ito sa pagiyak.

Ano ba ang magagawa niya para mapagaan ang loob nito? Ano ba ang masasabi niya na kahit kaunti lang eh mawawala ang sakit na nararamdaman nito? Hindi niya alam. Hindi niya kaya. Hindi siya si Charleen. Hindi siya yung mahal.

"Rad...ang sakit...ang sakit sakit."

Nang makita niya ang mapupulang mata ni Mika, ay parang gusto niyang umiyak nalang din.

"Kaya nga pupunta na tayo ng hospital, para mawala na yung sakit." Biro pa ni Rad.

Umupo naman na si Rad sa tabi ni Mika.

"Rad, walang stars."

"Hmmm..."

"Iniwan na nga ako ni Charleen, pati ba naman kayo." Sabi pa ni Mika, habang kausap ang mga bituin.

"Wala man ang mga stars,nandiyan naman ang moon. Masyado ka lang kasi focus sa mga bituin kaya hindi mo siya napapansin, na lagi siyang nandiyan para sayo. Kahit nahihirapan siya, hindi ka niya iiwan. Lagi lang siyang nandiyan, hindi mo lang siya pansin...kasi nasa stars lang ang attention mo."

Hindi mo lang ako mapansin.

"Tara na, Mika." Aya ni Rad.

This time ay napapayag na ni Rad si Mika na bumalik ng hospital. At mabilis rin lumipas ang mga araw, ang therapy ni Mika, na kahit kailan ay hindi siya iniwan ni Rad. Habang si Charleen naman ay busy sa mga papeles niya papuntang L.A. Nauna narin doon si Chris.

"Ngayon na pala ang flight niya papuntang L.A." Sabi ni Mika sa sarili.

Agad naman niya kinuha ang susi ng kotse niya at nagmaneho papunta sa bahay ni Chatleen, kakatok na sana siya ng biglang bumukas ang pinto.

"Mika?"

"Cienne. Si ditse mo?" Tanong ni Mika.

"Nasa airport na siya Ye, pero papunta nga ako doon kasi naiwan niya itong isang bag niya. Importante pa naman ito." Sagot ni Cienne, tumungo tungo naman si Mika.

"Ako nalang magdadala. And kung naiisip mo na baka pigilan ko si Charleen, sa pagalis niya. Nope, di ko gagawin yun. Suportado ko naman yun,pangarap niya yun."

Agad din naman binigay ni Cienne ang bag kay Mika. Habang si Mika naman ay dumiretso na sa airport.

"Charleen."

Nagulat naman si Charleen ng makita niya si Mika.

"Naiwan mo yung bag mo." Sabi ni Mika at inabot ang bag kay Charleen.

"Babalikan ko naman yan eh."

"Buti pa yung bag, babalikan eh noh." Biglang sabi ni Mika.

"Mika.."

"Charleen, Im sorry. Pinipilit ko naman na intindihin yung gusto mong mangyari, kaya lang ang hirap. Kasi sobrang mahal kita." Sabi pa ni Mika dito.

Nagkaroon naman ng sandaling katahimikan sakanilang dalawa.

"Mika, gusto ko lang malaman mo na..kung....kung maiisipan mo, kung magdedesisyon yang puso mo na magmahal ng iba. Okay lang saakin, okay lang. Basta masaya ka."

Okay? Hindi okay yun. Kailan pa maging okay sakanya ang magmahal ng iba si Mika? Hindi okay sakanya, kaya lang kailangan. Ayaw niyang itali si Mika sa walang kasiguraduhan relasyon.

"Masaya? Alam mo naman kung saan ako sasaya Charleen diba?" Sabi pa ni Mika. Napayuko naman si Charleen.

"Basta, Charleen. Magiingat ka doon. Wag mong papabayaan ang sarili mo, wag masyadong magpupuyat, kapag naramdaman mo na masama ang pakiramdam mo magpahospital ka na agad, wag masyadong makape, wag kang magsshorts sa public places. Ingatan mo ang sarili mo Charleen. At higit sa lahat Charleen, kahit anong mangyari...may babalikan ka saakin."



















AFTER 7 years


Vsgalang: bruh kumapit ka na sa pinakamalapit na makakapitan mo

Vsgalang:kahit ano pa yan kahit tae pa nung aso mo

Mikareyess: pakyu ano ba yon

Mikareyess: dami mong arte



Vsgalang: nasa pinas na si Ate Cha. And hindi pala sila nagpakasal ni Chris.

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon