Chapter 47

478 18 10
                                    

"Please Ija?"

Napailing naman ako, hindi ko alam ang gagawin at sasabihin. Oo naghiwalay na kami ni James pero hindi naman ibigsabihin nun eh mahihiwalay na ang closeness namin ng Mom niya.

"Sige po."

Napangiti naman siya.

"Thank you Ija, and ikaw parin talaga ang gusto ko for James." Sabi nito at ngumiti.

"Ah, sige po tita mauuna na po ako."

"Hintayin nalang kita mamaya sa dinner ah? And si James nalang din ang susundo sayo later." Paalala pa nito.

Napabuntong hininga nalang akong bumalik ng bahay.

"Basta Dar ah, mamaya."

Yan ang unang sinabi saakin ni Mika pagkapasok na pagkapasok ko. Kaya nga nagdadalawang isip talaga ako na umoo kay Tita, dahil nauna na magsabi si Mika saakin at nakaoo narin ako.

"Ah ano, Ye. Pwede bang sa ibang araw nalang? Kasi biglang may importante akong pupuntahan eh."

Napasimangot naman siya at sinabi."Edi hihintayin nalang kita pagkatapos ng importanteng pupuntahan mo." Sagot pa niya.

"Pero gabi yun baka mga 9 na ako makauwi."

Ngumite naman siya."Okay lang, hihintayin kita." Sabi pa niya.

Wala narin akong nagawa.

"Hay nako."

Ngumite naman siya at may nilabas ang phone at may pinakita saakin."Queen na queen." Sabi niya pa. napailingnalang ako sakanya.

"Pero bagay naman kasi sayo eh, yung sinasabi nilang ikaw ang Queen Tamaraw ng FEU kahit hindi ko alam kung bakit..kasi para ka namang queen. HAHA."

Sabi niya.

"Dar."

"Oh?"

"Ikaw ang Queen tamaraw ng Feu pero ikaw ang one and only reyna ng buhay ko."

A-no daw?

Ang bilis lumipas ng oras. 6pm na agad at nakaalis na si Mika sa bahay at nandiyan na si James para sunduin ako.

Habang nagbabyahe ay tahimik lang kami sa kotse, hanggang sa.."Rad."

"Hmm?"

"Im sorry alam ko sobrang naging harsh ako sayo non."

Sabi pa niya."Wag mo ng alalahanin yun mga tatlong buwan narin naman nakalipas diba? Wala na saakin yun, naka move on narin ako."

"Pero ayokong magmove on ka."

"Ano?"

"Ayokong magmove on ka. Alam ko ang laki kong gago, alam ko na ang tanga ko para ireason yun. Tangina kasi ng ego ko en. And im so sorry Rad."

"Dahil sa ego mo? Sinayang mo yung isang taon natin para lang sa tanginang ego mo?"

"Rad..im sorry please take me back."

Minsan kapag sobrang mahal natin ang isang tao, kahit anong sabi natin na nakamove on na tayo, eh meron at meron na bubulong saatin na..'umaasa ka tanga ka eh.' Yun dapat yung nararamdaman ko diba? Kasi sobra ko siyang mahal. At halos tatlong buwan lang nung nangyari lahat yun. Pero hindi eh, imbis na iyon ang maisip ko. Si Mika ang naiisip ko, bakit? Bakit?

"James."

Ayoko ng nararamdaman ko. Ayoko.



Patapos na ang dinner ng biglang biglang nagtext si Mika.

Hihintayin kita, Dar.

Bigla naman umulan ng malakas. Augh shit.

Umuwi ka na. Umuulan na.

Okay lang hihintayin parin kita.

Isang oras rin ang lumipas kaya lang umaambon pa rin.

Papauwi na ako, pero hindi parin ako mapakali. Paano kung naghihintay parin si Mika? Hindi naman na siguro.

"James iliko mo muna diyan sa kanto na iyan tapos istop mo sa park. May pupuntahan lang ako sandali." Sabi ko at iniliko naman niya ang sasakyan.

Kinuha ko naman ang payong."Shit sana, umuwi na talaga si Mika."

Nilibot ko naman ang park at wala siya. Kaya napahinga naman ako ng maluwag.

"Ate! Ate!" Nagulat naman ako ng biglang may mga batang lumapit saakin.

"Ikaw si Ate Dar?" Tanong ng batang babae.

"Oo, why?" Tanong ko.

"Siya yung kanina pa hinihintay ni Ate Mika!" Sabi pa ng isang bata.

"Kilala niyo si Mika?" Tanong ko.

"Opo! Siya nga po nagbigay ng chocolates na ito eh! Para tulungan namin siya isurprise ka! Kaso umulan naman bigla kaya pinauwi niya kami." Sabi niya ulit.

"Ano?"

"Isurprise ka po, kaya lang sayang. Hindi niyo po siya naabutan kakaalis lang po niya." Sabi ng batang babae.

"Teka! Nandito naman na si Ate Dar! Edi gawin na natin yung kanina pang pinaparactice satin ni Ate Mika kanina pa."

Nagulat naman ako ng bigla silang nagalisan at pagbalik ay nakaform na sila ng heart.

At isaisa may nilabas na mga cardboard na may nakasulat na word na kapag pinagsamasama mo ay...

Can i be your 'just mika.' In this world full of king?

"Mas maganda sana Ate Dar kung naabutan niyo si Ate Mika, kasi may flowers pa po siya at mukhang super masarap yung chocolates na ibibigay sayo."

"Oo nga po! Tapos yung fireworks po sana! May kinausap pa nga po siya tungkol doon. Sayang po maganda po sana yung fireworks."

"Pero ang pinakasayang po talaga ay yung paghihintay ni Ate Mika kahit umuulan, nandito lang po siya. Nakaupo sa bench na iyon." At tinuro ang upuan na hindi naman kalayuan."Mga isang oras po ata siya nakaupo doon, kahit umuulan. Hindi naman po kami makalapit kasi, magagalit po siya. Pinapauwi niya na kasi kami."

Sakto naman na pag kasabi ng bata ay biglang umulan kaya bigla silang nagtakbuhan palayo.

Pagkatalikod ko naman ay bigla ko siyang nakita, halos magkadikit ang mukha namin.

Hindi siya umalis, hinintay niya ako.

"Babe! Umuulan na ulit!"

Rinig kong sabi ni James habang palapit saamin.

"Sandali lang! May kakausapin lang ako."

Humarap naman na ako ulit sakanya, namumutla na siya. Tipong kung baka sa isang patak lang ng ulan ay baka
mahimatay na siya.

"Bakit? Bakit mo ginagawa ito ah?!" Sigaw ko sakanya.

"Dar..tinanong ko sayo anong pakiramdam magmahal. Ang sabi mo subukan ko para malaman ko. Sinubukan ko Dar. Sinubukan ko, pero sana naniwala nalang din ako na, wag na. Wag muna, kasi ang sakit eh...ang sakit sakit."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Where stories live. Discover now