Chapter 59

505 16 5
                                    


"Charleen, halos dalawang araw ka ng hindi kumakain."

Pero halos wala siyang nakita o narinig man lang, kaya naman napabuntong hininga nalang ako.

Hindi ko naman siya masisisi, hindi ko rin masasabi sakanya yung line. 'Okay lang yan.' 'Magiging okay din yan.' Si Shami yun, anak niya yun.

"Alam mo ba yung sabi nila Mika? Ang anak ang naglilibing sa magulang, at hindi ang magulang ang naglilibing sa anak. Ang sakit Mika, ang sakit sakit." Sambit niya at nakita ko naman na unti unting tumulo nanaman yung mga luha niya.

Agad ko naman siyang niyakap. "Charleen, alam mo ba ang sabi nila? Kapag daw ang mahahalagang tao saatin, o yung mga minamahal natin nawala. Hindi naman daw talaga sila nawala talaga, kasi nandito pa rin sila. " Tumingin naman siya saakin, at itinuro ko naman ang bandang part ng heart natin. "Sa heart natin, sa puso mo Charleen. Doon sila nag sstay. Ibig sabihin, si Shami nandiyan sa heart mo. Nandiyan sa katawan mo, kaya dapat mas alagaan mo pa ang sarili mo. Lalo na iyang puso mo. Kasi nandiyan na si Shami."

Kinuha naman niya ang pagkaing hawak hawak ko at nagsimula na kumain, na nagpangiti saakin.

"Mika, kasalanan ko toh eh. Kung nalanan ko lang sana ng mas maaga na pinagbubuntis ko si Shami, hindi sana siya magkakaroon ng sakit sa puso. Hindi sana siya mawawala saakin."

Halos nanghina naman ako ng makita ko siyang umiiyak.

"Charleen, wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan okay? And kung nandito si Shami? Hindi niya gugustuhin na sinisi mo yung sarili mo."

"Pero yun naman ang totoo eh."

"Charleen listen to me..alam mo yung totoo? Wala kang kasalanan. At naging mabuti kang Nanay kay Shami, napalaki mo siya ng maayos, at mabuting bata. At alam mo naman na sobrang mahal ka ni Shami, kaya naman hindi niya gugustuhin na sisihin mo yung sarili mo."


RAD

Isang linggo nadin ng mailibing si Shami.
"Okay sige, I-"

Bigla naman naputol yung tawag."I love you."

Sabi ko nalang.

Bigla naman umupo si Jovs sa tabi ko.

"Mahal ka nun." Sabi niya at binigyan ako ng kaps. Napangiti nalang ako at nagpasalamat.

"Thank you." Sumandal naman ako sa balikat niya."Buti nalang nandiyan ka Jovs, kasi siguro kung wala ka. Baka nabaliw na ako."

Bigla naman niya akong binatukan. Sadista talaga toh! Tsktsk. "Aray ko naman!" Reklamo ko pa.

"Baliw ka naman na talaga Rad."

Napabuntong hininga nalang ako. "Baka nga baliw na ako, kasi gusto ko makasama si Mika ngayon."

"Huh?"

"Kahit alam ko naman na kailangan siya ni Charleen ngayon."

Halos wala naman na nagsalita saaming dalawa.

"Normal lang naman yan Rad, mahal mo yun eh. Malamang gugustuhin mo talaga na makasama si Mika, tsaka naiintindihan naman kita. Sabi nga nila diba? Sa pag ibig hindi maman talaga yung mga, magaganda, mabait, matalino, sexy, mayaman , ang greatest rival mo sa love..kundi yung taong minahal niya bago ka."

"Ang sama ko talaga noh?"

"Hindi naman, sabi mo nga gusto mong makasama si Mika ngayon. Pero nasaan siya? Diba kasama ni Cha? Kasi alam mo na kailangan ni Cha si Mika ngayon, at naiintindihan mo yun. kaya hindi ka masama. Baliw lang."

Abat!!

"Ewan ko sayo Jovelyn! Kumain nalang tayo dami mong alam."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora