Secret 41

523 20 38
                                    


"Mom, im tired na." Reklamo naman saakin ni Shami, habang naghihintay ng taxi. Kanina ko pa rin kasi tinatawagan si Cienne, ayaw sumagot. Alam naman niya na hindi pwedeng napapagod si Shami eh.

"Halika, anak. Buhat ka nalang ni Mommy."

Sabi ko at binuhat ko na muna si Shami.

"Sleep ka muna, anak. Goodnight. I love you." Sabi ko at kiniss ang forehead niya.

"Okay, I love you too Mom." Sabi nito at pinikit ang mata.

Beeep beep

Napakunot naman ang noo ko ng biglang may nagbusina. Natutulog yung bata eh, nang makita ko naman ang kotse...kotse ni Mika?

Binaba naman ang window ng kotse at nakita ko si Rad.

"Cha, halika na, sabay ka na saamin."

Malamang si Mika ang nagddrive, si Mika ang nagddrive.

Dati ako yung nakaupo doon eh. Dati hindi nagpapaupo si Mika ng kung sino man doon sa upuan na yun, kahit sila Ara pa. Ako lang daw ang pwede, ako lang naman daw kasi ang gusto niyang makatabi at makasama habang buhay.

Pero ngayon iba na.

Meron ng iba.

Hindi na ako.

Eh sino ba ang dapat sisihin? Ako rin.

"Ah hindi na. Maghihintay nalang kami ni Shami ng taxi." Sabi niya.

"Cha, sige na. I insist tsaka kawawa naman si Shami oh." Biglang sabi ni Mika.

"Sige na Cha." Sabi pa ni Rad. Tiningnan ko naman si Shami, uunahin ko pa ba ang hiya kaysa sa anak ko? Kaya naman pumayag narin ako at sumakay na.

"So Cha, kamusta na its been what? 7 years?"

Tanong ni Rad.

"Ayos lang naman."

Habang si Mika naman ay sumasabay sa beat ng radio.

"King, i turn off mo na kaya yung radio? Natutulog yung bata oh." Sabi nito.

"Mahina lang naman, Queeny." Sagot pa ni Mika.

King and Queen.

Perfect.

"Kahit na." Sagot pa nito, pinatay narin ni Mika ang radio at sakto naman na gumalaw si Shami at dinilat na ang kanyang mga mata.

"Mom? Where are we?" Tanong niya.

"Tita Mika's Car."

"Oh. Hi Tita Stranger!" Sabi pa ni Shami.

"Hello Shami."

Sagot ni Mika pero nakafocus parin sa daan pero halata mo dito pagngiti niya.

"Tita, its Chami not shami. Anobe."

Napatawa nalang si Mika, "Okay Chami."

"Mom, when uuwi si Dad?"

Tanong niya.

"I dont know, pa anak. May work pa si Dad mo."

Siguro dahil narin sa mga nangyari noon sa L.A kahit pa ayokong makita kahit anino ni Chris, ay wala na rin akong choice kundi makisama sakanya. Para narin kay Shami, hindi ko na nga nabigay sakanya ang normal na buhay ng bata, dahil sa kagagahan ko. Ayoko naman pati pagkakaroon ng ama ipagkait ko sakanya, sa totoo lang hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari noon, napakawalanghiya ni Chris, totoo. Pero pagdating sa pagiging ama kay Shami? Wala kang masasabi sakanya. Napakamaalaga niya kay Shami.

"Ah..Cha, I thought hindi kayo nagpakasal ni Chris?"

Biglang tanong ni Rad.

Alam niyo yung awkward? Yun yung akala mo sobrang awkward na pero may mas lalala pa pala.

"Shami alam mo ba na super idol ko yang si Mommy mo nung simula palang nung college days niya? Hanggang mag semi pro siya."

Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Mika, at yun ang sinabi niya. Hanggang sa narealize ko na kaya niya ginawa yun para ma divert ang attention sakanya.

Di ko naman maiwasan mapangiti, kahit ano pala ang pagbabago ng panahon. May mga bagay na hindi magbabago, kahit ilang beses pa umikot  ang mundo.

"Ako ang no.1 fan ng mommy mo noon, lagi akong nanood ng games niya live. Para lang macheer siya." Dagdag pa niya.

"Oo nga dati nga winish pa nito na Tita Mika mo na matalo kami para lang manalo ang team ng Mom mo." Sabi naman ni Rad at ngumite.

Alam niyo yung nakakalungkot? Yung halatang genuine ang ngiti niya, na para bang secured na secured na siya. Tapos ako eto, ni hindi man lang makapagsalita.

"Kahit hindi."

"Kahit oo."

"So Tita Mika? Now sino na po iccheer niyo? Si Tita Rad na po ba or si Mom parin?"

"Si Mom mo parin."

"Oh?! Why?!" Shami.

"Kasi hindi ko na kailangan icheer si Rad. Panalo na siya saakin eh."

Oh.

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Where stories live. Discover now