Secret 30

551 20 5
                                    


"Okay lang sayo yun?" Paulit ulit na tanong ni Ara. Siguro naka isang milyon na tanong na ata siya eh.

"Oo naman. Pangarap niya yon, dati pa."

Sabi ko, siguro kung ilang beses akong ngumuguya ng kinakain kong Pringles, ganong beses din sila napailing.

"Walang label?"

Umoo nalang ako. Kanina pa sila ni Kim.

"Edi wala kang karapatang magselos? Wala kang karapatang mangialam sa buhay niya ganon?"

Binato ko naman sakanya yung walang laman na lalagyanan ng Pringles."Iba naman kasi yun! Special yun noh."

---

To: Misis Right

Ms, baka hindi ko maumpisahan yung game niyo. Nagpasama kasi saakin si Mommy sa mall. Goodluck sa game Ms! I love you. 😘😘💚

From: Misis Right

Okay, I love you too. 😘

Inistart ko na ang engine ng kotse para puntahan si Mommy.

MALL

From: Mom

Nak, kay kuya perry mo na ako nagpasama. Pauwi narin kami.

"Aish."

Napailing naman ako, at halos pagsisihan ko naman iyon dahil pagiling ko ay nakita ko ang leader namin sa isang project na papasok sa national bookstore.

Nagpapasama nga iyon para bumili ng materials sabi ko may sakit ako, pero mag nagpapasama lang naman si Mommy at manonood ng game ni Charleen. Finals na kaya.

Nagkatitigan naman kaming dalawa."Oh shit."

Agad agad din naman ito nag martsa papunta saakin."May sakit ah? Gusto mo saktan na talaga kita?"

Sabi niya sabay pitik sa ilong ko.

"Aray! Sorry na Mae. Nagpasama kasi saakin si Mommy at manonood pa ako ng game ni Charleen, finals na kaya?" Explain niya.

"Sus! Dadahilan ka pa. Halika't mamimili tayo, 5pm pa naman start at 4:00 palang."

Wala narin naman ako magagawa kaya sinamahan ko na siya.

Meydo napatagal naman kami dagdag mo pa na ang traffic.

Kaya pagkarating ko sa SJA ay second set na.

"Ang galing talaga ng Ms ko." Bati ko sakanya.

Champion beybe. Pero iniripan lang naman niya ako, anong problema nito?

"Bakit kailangan mong magsinungaling? Kung gusto mong makipag hangout kay Mae. Dapat sinabi mo na, hindi yung idadahilan mo pa si Tita bhaby."

Huh? Pinost niya siguro yung picture namin kanina. Wala lang naman yun.

"Teka? Pwede magexplain?"

Hindi naman siya nagsalita kaya naman nagsalita naman na ako."Nagpasama lang siya para bumili ng materials sa national bookstore. Dapat nga tinakasan ko nalang siya eh, waste of time." Paliwanag ko.

Lihim naman akong napangiti ng makita ko ang paglaki ng ilong ni Ms.

Ang cute magselos ng mahal ko.

"Waste of time? Talaga lang ah? Ang saya mo pa eh."

Napatawa naman ako ng tuluyan."Para kasing may gustong ibulong saakin iyang ilong mo? Parang mag nagseselos daw."

"Ako? Magseselos?" Gusto ko naman na humalaklak ngayon, hayy Charlene sobrang cute mo.

"Excuse me lang lovebirds."

Biglang sabi ni Rad."Ano yun Rad?"

Tanong ni Charleen.

"Nasa labas na si Henry, hinahanap ka."

Napakunot naman ang noo ko."Henry? Sinong Henry?"

"Baka yung ka hangout ko?" Sabi ni Charleen and nagsmile at lumabas na

ANAK NG

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Onde histórias criam vida. Descubra agora