Secret 22

708 22 5
                                    

"Anak!"

Salubong saakin ni Mama pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan.

As usual super hug ang ginawa nila. Super namiss ko rin naman sila kaya kahit nahirapan na ako huminga sa yakap nila keri lang. Hahaha.

Pagkatapos namin kumain ay ako ang naghugas ng pinggan, nagulat na nga lang ako ng biglang nasa tabi ko na pala si Kuya Perry.

"Hmmm...sobrang happy ata ng sister ko ah. Naghugas ng pinggan."

Napatawa naman ako sa sinabi niya."Grabe? Naghugas lang ng pinggan super happy na? Hahaha. Pero may point ka kuya."

Sabi ko at patuloy na hinugasan ang pinggan.

"73+70?"

Napaharap naman ako sakanya. Pagkaharap na pagkaharap ko naman sakanya ay pinitik niya ang noo ko.

"Akala mo ba hindi ko nabasa ang post ni Cha? And akala mo ba kahit nakaprivate ang new twitter mo ay hindi ko mababasa? Nakafollow ako sayo uy."

Napailing nalang ako. At tumawa"So kayo na?" Dagdag pa niya.

"Hindi...pa." Sagot ko naman sa tanong niya, para naman siyang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Yung tingin kasi niya parang chinachar ko lang siya.

"May I love you pero walang kayo?"

Gulat na sabi niya.

"Kuya, sabihin nalang nating..WLPM."

"WLPM?"Tanong niya pabalik.

Nginitian ko naman siya.

"Walang label. Pero masaya."

***

DEC 23

Siguro sa mga oras na ito nasa LA na si Ms. Kamusta na kaya yun?

*toktok*

Napatigil naman ako sa pagiisip at naglakad sa pinto upang buksan ito.

"Ma."

Ngiting bati ko sakanya. Nakangiti rin naman siya saakin habang pumapasok sa kwarto ko at umupo sa bed ko.

"Hay ang baby ko noon dalaga na." Sabi ni Mommy habang nakatingin saakin. Tumabi naman ako sakanya at niyakap siya."Ako parin naman yung baby niyo ma." Lambing ko sakanya.

"Alam ko kaya lang hindi na matatangi yung fact na big girl ka na, kaya nga kahit gustong gusto kong pumunta ng manila at awayin isa isa ang lahat ng nangbash sayo hindi ko ginawa kasi I know you can handle it. Pero hindi naman ibig sabihin non hindi na ako nasasaktan sa mga pinagsasabi nila sa iyo. Simula bata ka anak hindi ka namin pinagsabihan ng ganoong salita hanggang ngayong malaki kana."

Nagulat naman ako ng biglang umiyak si Mommy kaya naman pinahid ko ang mga luhang pumapatak sa mata niya, I wanted to cry. Pero hindi pwede hindi pwedeng weak ako sa harap niya. Tulad nga ng sabi niya malaki na ako kaya ngayong mga panahon na ito ako na dapat ang pprotekta sakanila.

"Ma, tulad nga ng sabi mo. Malaki na ako, tsaka ang importante naman yung totoo diba? Alam naman natin parehas yung totoo diba? Wala akong pake sa sinasabi nila ma. Malinis ang konsyensya ko kung pinagpipilit pa nila ang mga mali na iyon saakin problema na nila iyon."

Napabuntong hininga naman siya. "Anak, narinig ko ang pinaguusapan ng kuya perry mo kanina, and happy ako na happy ka. And alam mo naman when in comes sa relationship kahit sino pa iyan basta napapasaya ka diba?" Napakunot naman ang noo ko.

"Opo?"

"Pero pwede ba? Anak? Wag si Cha? Marami pa namang iba diyan."

"Ma?"

Pinigilan ko ang sarili ko na mapalakas ang boses ko, dahil narin sa gulat.

"Ma..naman sabi ko naman sayo diba? Okay lang ako. Kakayanin ko naman-"

"Kakayanain mo? Kakayanin. Mo pero paano naman ang pamangkin mo na nadamay? Pamangkin mo na walang ka malay malay?!"

Hindi narin ako nakapagsalita.

Patin rin kasi si Raven na bash yun yung dapat magrereact na talaga ako kasi pati yung walang kamalaymalay na pamangkin ko nadamay, kaya lang bigla ngang kinuha ni Ara ang phone ko at pagkabalik ay yung tweet na ni Rad.

"Ma..."

"Anak...please?"

---

(Play niyo yung aong sa multimedia wala lang para happy AHAHAHHAAHHAHAHhah)

Christmas Eve

11:50

"Hi Ms."

Bati ko sakanya habang ka facetime ko siya.

Agad rin naman bumungad saakin ang maganda niyang mga ngiti.

"Hello Ms Mika Reyes."

Inilipat ko naman ang camera para makita niya ang mga stars.

"Ms, ang ganda ng mga stars noh?"

"Oo nga."

"Ms..hindi ka ba nagtatampo or nagagalit sa mga stars kapag gustong gusto mo siyang makita pero wala siya? Kasi diba nangyayari yun minsan?"

"Oo nga eh, minsan nakakatampo rin ang mga stars at nakakasakit ng feelings kasi minsan gusto mo lang naman sila makasama at makita pero bigla silang aalis."

"Pero hindi naman porket umalis iniwan ka na? Siguro nandiyan parin sila hindi mo lang nakikita. Ms may favor akong hihingin sayo ibinulong lang saakin ng pareng bituin ko kanina eh."

Napatawa naman siya. "Sige ano ba ang favor ng pareng bituin mo?"

"Ang favor ng pareng bituin ko is sana kahit hindi mo siya makita ngumite ka parin. Sana daw kahit hindi mo siya makita maramdaman mong lagi lang siya nandiyan para sa iyo. Sana daw kahit hindi mo siya makita maramdaman mo na nandiyan parin siya handang damayan lahat ng problema mo. Sana daw kahit hindi mo siya makita maramdaman mo yung pagmamahal niya para sayo. Kasi daw kahit wala siya sa tabi mo, pakiramdam niya kasama ka parin niya."

"Ang dami naman niyang wish."

"Pasko naman daw eh."

"Sige na."

"Thank you daw."

Time check

11:55

"Ehem ehem, dahil pinagbigyan mo ang pareng bituin ko i'll sing a song for you okay? Sabi rin ni pareng bituin eto raw ang kantahin ko para sayo eh Ahahha."

I will never leave you, hurt you
I will always stay true
I will always be there to care
Each moment we will share
I will always listen to your heart
Give me one more day, give me one more night
Give me one more chance
Give me one more try
Give me one more dance
Give me one more night with you?

And tell me it's not the end

Time check 12:00

"Merry Christmas Ms Charlene."

"Merry Christmast Ms Mika Reyes."

"Sige na, Ms....Goodbye."

"Hey!"

"Ano?"





"No goodbyes ok?"

Ngumite lang ako at pinindot na ang.......end...button.

---------

Alam niyo ba na dapat kadugtong ito ng Secret 19? Kaya lang ang kontrabida ko naman kung ito agad. Hahahahahah. 😂😂😅

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Where stories live. Discover now