Chapter 65

1K 23 14
                                    


RAD

"King!" Masayang bati ko sakanya at niyakap siya ng mahigpit. "Happy monthsarry, babe." Bati ko sakanya.

Naramdaman ko naman na parang nagstiff siya. Humiwalay naman ako sakanya at pinitik ang noo niya. "Nakalimutan mo?"

"Sorry." 

Hindi Rachel, OA ka lang talaga. Minsan ganon naman talaga diba? Sa sobrang stress na isang tao minsan nakakalimot na. Yun na yun. Yun lang yun.

"Okay lang, okay lang. Marami pa naman tayong monthsarry,anniversarry even weeksarry kung gusto mo. Haha. Na pagsasamahan diba?" 

Alin ba ang mas masakit? Yung nakalimutan niya? O yung hindi siya sumagot sa tanong ko?

"Diba Mika?" Ulit ko pa.

Pero ngumiti lang siya.

Sabi ko kapag narealize niyang si Cha parin, papakawalan ko siya. Walang ano ano, walang bakit bakit, kung doon siya sasaya. Gagawin ko, pero bakit parang ang bilis naman? Hindi ba pwede bukas? O kaya sa susunod na mga araw? 

"Pero ako hindi ko nakalimutan, so tara King?" Sabay hinigit ko siya pasakay ng sasakyan, at tulad ng kanina hindi parin siya kumikibo. Hanggang sa makarating na kami sa beach.


"Charan! H@pPy MotMot MaHual IkAhw LhUa@n6 sHuAp@t na." Sabi ko at nagjeje pose pa.

Bigla naman siyang napatawa at kinurot ang both cheeks ko. "Ikaw talaga! Hahaha." At inakbayan ako. Agad din naman ako nagside hug sakanya.

Pero hindi ko parin maiwasang mag isip, malungkot. Huli na ba toh? Magkahawak kamay naman kaming naglakad. Masaya naman naming cinelebrate ang 'monthsarry' namin.

Pero tulad nga ng sunset na tinitingnan namin ni Mika ngayon, lahat may katapusan, tulad din naman ng sunset hindi naman natin mapipigilan yun. 


"Mika."

"Hmm?"

"Naalala mo? Dito mo sinabi saakin,na kahit anong mangyari. Ako at ako parin ang pipiliin mo diba?"

Kahit gusto kong humarap sakanya, hindi ko magawa. Baka bigla nalang akong umiyak at hindi ko na masabi pa ang gusto kong sabihin. 

"Rad."

"Ako parin naman diba?"

Imbis na sumagot siya ay hinubad nalang niya ang jacket niya at sinuot ito saakin, tumayo na din siya.

"Halika na mahamog na oh. Tsk, baka magkasakit ka na niyan." Sabi niya inoffer ang kamay niya saakin.

"Ako parin diba? Ako lang diba?"

"Rad, gabi na. Umuwi na tayo. Halika na ipiggy back na kita."

Sa sagot niyang iyon, alam ko na. Tanggap ko na, pero hindi naman porket tanggap na natin ang isang bagay hindi na iyon sasakit diba? Sa totoo lang minsan mas masakit kapag tinaggap nalang natin. Kasi ano pa bang magagawa natin? Yun nalang yung tanggapin. Kasi wala naman na tayong pagpipiliian kundi tanggapin na hindi tayo mahal ng taong mahal natin.

"Mika...tapusin na natin toh."





MIKA


"HOY GALUNGGONG!!!!"

Napabangon naman ako sa malakas na sigaw at hampas ng unan.

"Augh? Sino bayun?"

"Gumising ka na diyan!"

"Aalis na si Charlene babalik na siya ng LA! Ano pang ginagawa mo dito? Habulin mo!" Pero hindi ako makaalis sa kama ko. Nakatingin lang ako sakanya ng bigla akong taasan ng kilay nito.


Ilang buwan narin pala simula nung naghiwalay kami, at mawalan ako ng communication kay Charleen.

"Hindi ako nagpaka heartbroken para hindi kayo magkatuluyan noh?!" Sigaw pa din nito, pero ng mapansin niya na wala parin akong ginagawa ay naging malumanay na din siya.

"Mika, masyado akong maganda para hindi makapag move on sayo. Pero ikaw ngayon kailangan mo na mag simula mag move dahil aalis na nga si Cha! Lintik ka hindi ako ngumawa ng ilang gabi para hindi kayo magkatuluyan talaga." Napakamot nalang ako ng buhok ko. Hayy Daquis.



AIRPORT


Bago pa siya makapasok sa loob ng airport ay hinigit ko na agad siya.

"May nakalimutan ka."

Napatingin naman siya sa maleta na dala ko."Ah shit! Oo nga..thank you."

Bago pa niya hawakan ang maleta ay hinawakan ko na ang kamay niya. "Hindi yan, ito oh..ako." Napatingin naman siya saakin.


"Charlene, noon inayaan kitang umalis. Kasi sabi mo wala ng choice..pero ngayon, bibigyan kita ng sinasabi mong 'choice' mamili ka...ano bang gusto mo? Papakasalan mo ako? O Papakasalan kita?"


The end of Mika's POV


Nang nakita kong masaya na sila, umalis na ako.


Aaminin ko masakit parin. Hindi naman agad mawawala yun, pero atleast yung isa samin ni Mika masaya.


Paalis na ako ng bigla nalang may nangbunggo saakin.


"Ouch!"


"Miss sorry!" Sabi nito na parang natataranta.


"MIka?!"


Kaya naman napatingin ako sa kinaroonan ni MIka, nakng! Nandoon siya?! Eh sino tong kaharap ko?


"Nice try miss, pero Miya..sumablay lang sa K. Pero malay mo pag naging tayo perfect? Hindi sasablay."

Nagulat nalang ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko at halikan ito.


"OYY!!!" 


Napatakbo nalang siya bigla ng may sumigaw na pulis. 


Pero bakit niya kamukha si Mika?


THE END(THE END NA TALAGA!!!!)



~~~~

SOBRANG LAME ALAM KO PERO ATLEAST NAIRAOS NA HAHAHA :)))

So ayun! :))


Sa lahat ng ano ahahah basta thank you sainyong lahat huggssss* kissss*

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Where stories live. Discover now