Secret 36

476 20 6
                                    


"Mika!"

Masayang sabi ni Rad ng magmulat ang mga mata ni Mika. Agad din naman inikot ni Mika ang mata niya sa maliit na kuwarto ng hospital, para makita niya ang taong gusto niyang makita pagkamulat na pagkamulat ng mga mata niya. Si Charleen.

Ang dami ng gustong itanong ni Mika, ang dami niyang gustong sabihin. Ngunit sa sakit narin ng buong katawan niya ay mahirap na sakanya ang magsalita. Kaya naman inipon niya ang buong lakas niya upang sabihin ang mga salitang.."Nasaan..si...Charleen? Okay.....lang .....ba .....siya? May ...masakit ....ba... sakanya?"

Sobrang mahal ni Mika si Charleen, ayan ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Rad. Sobrang mahal ni Mika si Charleen, na kahit halos hindi na makilala ang mukha niya sa pasa ay si Charleen pa ang unang inalala nito. Sobrang mahal ni Mika si Charleen, na halos hirap na sa pagsasalita ay nagawa pa nitong itanong kung kamusta si Charleen, na para bang nakalimutan na niya na halos siya ang mamatay. Sobrang mahal ni Mika si Charleen. Sobra.

"Okay lang siya, Mika. Teka sandali lang tatawag ako ng doctor." Sabi pa nito.

Pero bago pa itong makalabas ay nagsalita muli si Mika."Nasaan ba siya Rad?"

Tanong pa ni Mika, halata rin sa mukha nito ang lungkot. Dahil narin siguro ang gusto naman talaga makita niya pagkamulat ng mata.

"Ah..ano..kakauwi lang niya. Magdamag kasi siyang nagbantay dito."

Dahilan na lamang ni Rad. Dahil ang totoo niyan ay pagkadala ni Charleen sa hospital kay Mika, ay hindi na ito nagpakita. Sa tatlong araw na pananatili ni Mika sa hospital ay ni anino nito ay hindi nagpakita. Ngunit anong magagawa niya? Hindi naman niya kayang sabihin kay Mika ayon, dahil baka ano pang isipin nito at gawin.

"Ah kawawa naman ang mahal ko. Haha." Nakangiting sabi nito."Thank you rin Rad." Sabi pa nito.

"Sige na." Sabi nito.

Agad din naman lumabas si Rad upang tumawag ng doctor.

"Ayan brad ah! Ilang araw na therapy lang daw, magiging okay ka na." Sabi ni Kim kay Mika, para naman kahit kakaunti ay gumaan naman ang pakiramdam nito.

"Si Charleen lang naman ang kailangan ko." Sabi nito at ngumise."Anong oras ba siyang umalis? Bakit wala parin siya."

Napakunot naman ang noo ng mga kaibigan niya, dahil pareparehas naman nilang alam na hindi pa dumadalaw si Charleen, kaya naman napatingin nalang ang mga kaibigan nito kay Rad. Dahil siya naman ang kasama nito nung gumising.

Ilang araw na ang lumipas pero wala paring Charleen ang dumadating, tatlong araw na nga lang lalabas na si Mika sa hospital hindi parin ito nakakadalaw.

"Rad, i text mo naman si Charleen." Malungkot na sabi nito.

"Ah okay sige."

To:Cha

Cha. Pupunta ka na ba?

From: Cha

Cant. Sorry.

"Ano nagreply ba? Ano sabi? Pupunta na daw ba siya?" Excited na sabi ni Mika.

"Ah...Ano....hindi pa nagrereply eh. Baka maraming ginagawa, kasi nga diba? Yung sa LA." Palusot ni Rad

"Ah...ganon ba? Tayo nalang kaya pumunta sakanya?" Sabi ni Mika.

"Huh? Sa Thursday ka pa kaya makakatakas sa preso na ito. Hahaha."

Napatawa naman si Mika."Hahaha. Edi takas mo ako Rad." Sabi ni Mika.

"Ano?! Gusto mo ba mayari ako sa Mommy mo? Tsaka kayla Ara." Rad.

"Hindi naman kasi nila dapat malaman eh, sige na Rad." Pakiusap pa ni Mika.

"Hindi nga pwede."

"Rad, please? I just want to make sure na okay siya. I just want to make sure na hindi siya binalikan ni Chris. I just want to make sure na hindi niya papakasalan yung gago na iyon. I just want to make sure na ako parin ang mahal niya, kasi Rad pakiramdam ko mababaliw na ako. Parang kahit anong pilit ko na isipin na, okay lang, na busy lang siya. Hindi eh, Rad. Ang sakit eh, mas masakit pa sa sugat na nararamdaman ko ngayon, mas masakit pa sa pagkabugbog saakin ni Chris. Dahil naiisip ko palang na papakasalan at iiwan niya si Chris? Pakiramdam ko namamatay ako ng paulit ulit. Hindi ko naman kailangan ng kahit ano dito sa hospital, hindi ko kailangan ng dextrose, ng theraphy. Basta nandiyan siya Rad, pakiramdam ko walang masakit saakin. Basta nandiyan siya nawawala yung sakit na nararamdaman ko. Siya lang yung kailangan ko Rad. Tapos wala pa siya."

Unti unti narin tumulo ang luhang, pinipigalan ni Mika simula pa.

"Mika.."

"Please Rad."

Magsasalita pa sana si Rad ng biglang may tunawag sakanya, ang coach niya.

Medyo napatagal rin naman ang paguysap ni Rad at Coach niya, kaya naman pagkatapos at agad din naman nagmadali bumalik kay Mika.

"Mika- SHIT MIKA!"

Napasigaw nalang si Rad dahil, kumot at unan nalang ang natiransa higaan ni Mika.




SAMANTALA

"Mika?!"

"Hi?"

"What are you doing here?!"

"Ayaw mo kasi ako dalawin eh. Edi ako nalang ang dadalaw sayo." Sabi pa nito habang nakangiti.

"I missed you so much Ms."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt