Chapter 55

549 16 6
                                    

Napabalikwas naman ako sa hinigaan ko at doon ko na naramdaman ang biglang pananakit ng aking ulo.

"Ang sakit ng ulo ko!"

Nakapikit na sigaw ko.

"Mas masakit kapag walang ulo." Napadilat naman ako ng makita ko ang nagsalita.

"Jovs?"

Kung kanina napasigaw ako sa sakit ng ulo ko, ngayon naman halos gusto ko ng magwala dahil naalala ko ang katangahan na nagawa ko. Pero baka naman nag iimagine lang ako, -

"Kagabi?"

Napailing nalang si Jovs at inabot saakin ang gamot at tubig. Agad ko din naman ininom ito.

"Naalala mo na?"

"Totoo nga?"

"Na inamin mong mahal na mahal mo si Mika at umiyak ka ng umiyak hanggang sa mawalan ka ng malay? Yup. Totoo."

"Shit. Anong sabi niya? May sinabi ba siya?"

"Ano bang gusto mong sabihin niya? Na mahal ka rin niya?"

Napatigil naman ako at nagpatuloy siya magsalita.

"Rad, kahit naman ikaw alam mo kung gaano kamahal ni Mika si Cha, may chance din naman na baka mahal ka rin niya. Hindi sa pinapaasa kita, kagabi kahit hindi siya nagsasalita. Ramdam ko, may chance Rad. Kaya lang nakita mo naman kung paano mahalin ni Mika si Rad, Kumbaga yung pagmamahal na iyon, mahirap ng mahigitan. Tiyaka sabi nga nila diba? Mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba."

Pagkatapos nun ay nagkaroon na kami ng distansya ni Mika, kung dati ay halos hindi kami mapaghiwalay ngayon naman ay halos hindi na kami mapagtabi. Halos kalahati ng taon ay ganon lang ang nangyayari. Pero pakiramdam ko sampung taon na ang nakalipas.

"Excuse me?"

Napatigil naman kami ng paguusap ni Jovs ng biglang may nagsalita.

"Ate rad."

Ara? Napatingin naman ako sa mga kasama niya, si Kim at siya.

Mika.

"O-oh?"

"Wala na kasing available na table, pwede bang maki share nalang sainyo?"

Napalibot naman ang tingin ko sa restaurant, wala na nga.

"Sure." Si Jovs naman na ang nagsalita at umupo na nga sila.

Agad din naman sila nagorder at halos sabay lang din dumating ang mga order namin.

"Hoy kumain ka na."

Bulong saakin ni Jovs at nilagyan ng pagkain ang plato ko, napatigil naman siya ng biglang nagsalita si Mika.

"Jovs, may kamay naman siya."

"Okay?"

Nagsimula naman na akong kumain, augh Mika!

Naubos ko naman na yung lamang ng plate ko, pero hindi ko na alam. GUTOM PA AKO HUHUHU.

Nagulat naman na ako ng biglang lagyan ni Mika ang plato ko.

"Eh akala ko ba, may kamay naman siya?"

Ako lang ba, o pwede na mag charge sa mga tingin nila?

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Where stories live. Discover now