Secret 18

682 23 4
                                    

Nakangiti naman akong naglalakad papuntang sakayan ng jeep.

Nang biglang..

*beep* *beep*

"Alam mo bang delikado ang maglakad sa gabi ang isang..Ms Mika Reyes."

Napahinto naman ako ng marinig ko ang boses niya.

"Charleen." Sabi ko nalang.

Bigla naman niyang hininto ang kotse niya at bumaba sa kotse.

"Akala ko sinundo ka ni Cienne?" Tanong ko pa sakanya.

"Hmmm. Hinatid niya lang yung car kasi gagawa pa sila ng thesis. Sinundo lang siya ng groupmates niya."

Sagot naman niya.

"Ah kaya pala."

"Halika na sumabay ka na saakin." Sabi niya sabay hila saakin papasok sa kotse niya.

And hindi yun tanong, kasi nga hindi naman niya ako hinayaan sumagot. Bigla nalang niya ako pinasok sa kotse niya at nagdrive.

"Mika..."

"Hmm?"

"Alam mo yung park sa pa end ng city?"

Tanong naman niya habang nakafocus parin sa pagmamaneho. Nakaside view siya at madilim pero kitang kita ko naman ang ganda niya.

"Yep! Sobrang ganda doon eh. Lalo na yung mga stars kitang kita and walking distance nalang iyon sa dorm namin."

Sagot ko sakanya.

Sakto naman na nag red yung light kaya napaharap siya saakin.

"Hmm...ano gusto mo bang dumadaan muna doon bago kita ihatid? Okay lang bang samahan mo ako mag star gazing?"

Nagulat naman ako sa bigla niyang pagaya.

"Pero kung ayaw mo-"

"Okay lang! Ikaw pa Charleen!"

Sabi ko sakanya na nakapagpangiti sakanya.

(PLAY NIYO YUNG SONG SA MULTIMEDIA IF GUSTO NIYO LANG HEHEHE.)

Pagkarating naman sa park ay pumwesto na kami sa likod ng car niya, ford ranger ang dala niya so may space.

"Isa ito sa mga place na favorite ko talaga puntahan specially kapag gabi kasi tingnan mo ang gaganda ng mga star."

Kwento pa niya.

Panay ang describe niya sa mga stars. Kung gaano ito kaganda. Totoo naman ang ganda naman ng mga stars. Pero para saakin mas maganda siya. Para saakin mas nagliliwanag ang ganda niya sa mata ko.

Sa totoo lang hindi ko man lang iniisip na mangyayari ito, yung makakatabi ko siya at makakausap ng ganito.

"Tingnan mo o parang abot kamay ko na yung mga bituin."

Sabi pa niya at tinaas ang kamay niya na para bang naabot na niya ang mga bituin. Kaya napangiti naman ako, at ginawa ko rin ang ginawa niya kaya lang....

Sakanya nakatapat ang kamay ko.

Dahil siya naman ang bituin ko. Ang liwanag sa madalim kong mundo. Ang nilolook forward ko pagkatapos ng nakakapagod na araw.

"Ako rin abot kamay ko na siya."

Sabi ko habang nakatapat parin ang kamay ko sakanya. Natawa naman siya.

"Baliw. Haahah."

Napangiti nalang ako at binaba ko na ang kamay ko at nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano.

"Diba 1 year narin since na nagbreak kayo ni Kianna? I mean bakit ano.."

"Bakit until now zero pa rin ang lovelife ko? Hahaha. And bakit hindi na lang ako mag take risk at umamin sa taong gusto ko?"

Nahiya naman ako bigla.

"Gusto ko muna kasi tuparin ang mga pangarap ko."

Sabi niya. Sinabi rin niya ang pangarap niya ay nasa LA.

"Edi aalis ka pala?" Tanong ko sakanya.

Pangarap na daw niya talaga magturo sa isang school sa LA. Bata palang daw siya ay yun na ang gusto niya.

"Hmm. Parang ganon na nga."

"Nako wag ka ng umalis! Mamimiss mo lang ako doon."

Napaiwas naman ako ng tingin.

Pagkasabi ko non, she giggled.

Napaharap naman ako sakanya, at sa pagkaharap ko sakanya doon ko lang narealize na sobrang lapit.

Napatitig nalang ako sa mata niya at sa labi niya na parang na h-hypnotize ako. At sinasabing mas lumapit pa ako.

Unti unti naman naglalapit ang mga mukha pa namin..

*kring kring*

SHIT

Kaya naman napalayo naman kami sa isat isa.

"Ah teka...si Ate Rad eh...ahm."

Sabi ko at sinagot ang tawag.

"Tumawag lang siya kasi ahmm yung folder ko sa ahm..ano...babalik muna ako."

Napatuntungo tungo baman siya.

"Sige ano tara balikan mo mun yung folder mo kila Rad then ihahatid na kita."

Napatungo naman ako."Ah sige...ano..ako na magdrive."

Agad din naman niya binigay ang susi niya at nauna na sa kotse.

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Where stories live. Discover now