Chapter 46

532 18 6
                                    


Halos ilang araw na rin simula ng nangyari ang lahat ng iyon, naging malapit na magkaibigan rin kami ni Mika. Lagi siyang nandiyan, baka daw mamaya anong gawin ko sa sarili ko. Anong akala niya saakin? Suicidal? Mahiya naman yung ex ko noh! Hindi siya ganon ka gwapo para magpakamatay ako para sakanya.

"Dar."

Biglang salita ni Mika.

"Hmm?"

"Masakit ba talaga?"

"Hindi naman."

Sabi ko habang cinocompress niya ang paa kong, natapilok sa training kanina.

"Magmahal?"

Pinitik ko naman ang taing niya."You're just 16 bro, wag mo muna isipin yan! Magaral ka muna. Haha."

"Tsktsk." Napailing naman siya.

"Pero seryoso?" Tanong niya.

"Bat mo ba tinatanong yan ah?" Tanong ko pa ulit.

"Sagutin mo nalang kasi..ATE DAR."

"Aba't!- hay nako. Ganito yan, masakit! Sobrang masakit. Kaya wag mo ng subukan pa."

Sabi ko at naginarte na para bang sobrang sakit talaga, na nagpatawa naman ng malakas sakanya.

"Ang bitter mo naman. Haha."

"Hindi ah! Eto seryoso, subukan mo para malaman mo. Pero wag muna ngayon! Bata ka pa." Sabi ko pa sakanya.

"Yes, Nanay Dar."

"Good anak."

Sabay naman kaming napatawa.

Pagkalipas ng mga ilang araw ay sobrang maayos naman na ang paa ko at nakabalik narin ako sa traning eh, tulad ngayon nandito kami sa grocery store ni Mika. Sobrang hilig niya po sa candies lalo na sa potchi! Kulang nalang bilhin niya na lahat ng potchi dito sa grocery store.

"Isang taon ka ba hindi magsshopping at halos punuin mo ng candies yang cart mo?" Tanong ko.

Napatingin naman siya sa cart niya at sumimangot."Kulang pa nga ito para sa isang linggo eh."

"Diabetes tooth ka noh."

"Anong diabetes tooth?" Tanong niya pa.

"Wala lang pauso ko lang, bakit?" Napatawa naman siya.

"Hay nako." Sabi niya pa.

Agad din namam namin binayaran yung binili namin at pinauwi nalang sa driver yung groceries, kawawa tuloy si Kuya dalawang bahay pa ang pupuntahan.

Habang naglalakad kami sa mall.

"James?" Mahinang sabi ko habang nakatingin sakanya. I mean sakanila.

Tiningnan din naman ni Mika ang direksyon ng tingin ko.

"Ang pangit niya talaga noh?"

Napailing nalang ako sa sinabi ni Mika, kahit ano naman kasing lait ang gawin namin sakanya, kahit ilang libong besea pa namin siyang sabihan na ang panget niya, hindi parin naman mawawala yung nararamdaman ko. Tangina, kahit tinrato niya lang akong para basura. Mahal ko parin siya, mahal na mahal ko parin siya.

Bumalik naman ako sa reality ng bigla akong hilahin ni Mika."Teka? Saan mo nanaman ako dadalhin?"

Pero di siya nagsalita patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng mall at.."Teka?"

School ni Mika? Walking distance lang yun?

"Walking distance lang ang mall sa school niyo? Hulaan ko lagi kang nagccutting noh?"

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora