Chapter 52

510 19 15
                                    

"Ate Rad!"

Sabay na sabi nila Ara at Kim. "Alam niyo ba ang sabi nila? Hindi daw gagaling ang may sakit kung nasstress siya. Kaya kung hihilata lang ako dito at iisipin kung kamusta si Mika, masstress lang ako at hindi din ako gagaling." Dahilan ko sakanila.

"Ate Rad, ang labo ng logic mo alam mo yun? Pero sige! Dahil mapilit ka, sumama ka na. Pero sa kotse ka lang ah!" Sabi ni Ara saakin.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Ara.

Halos isang oras naman kami nagbyahe papuntang st scho.

"Basta Ate Rad ah! Wag kang lalabas." Sabi ni Kim.

Tumungo naman ako, oo naman susundin ko naman sila. Basta ba dapat sa loob ng 10 minutes eh nandito na si Mika.

Agad narin naman silang umalis.

"Tagal."

Sabi ko at tiningnan ang relo ko, 8 minutes palang pala ang nakakalipas.

Pero bat ba! Para saakin sobrang tagal na eh.

Kaya naman lumabas na ako ng sasakyan at sinundan sila Ara.

Pagdating ko doon..

"Ate Rad! Ano ka ba? Diba sabi naman namin sayo doon ka nalang sa kotse? Hala aurgh! Umulan pa oh!"

Sabi ni Kim at agad tinanggal ang suot niyang jacket at parang ginawang payong.

Pero binalewala ko lang ito at naglakad patungo kay Mika.

"Ano bang gusto mong marinig para tumigil ka sa kahibangan mong yan ah?!" Sigaw ko sakanya at pinaghahampas siya.

"Dapat bang sabihin namin na,'Oo nga Mika! Tama iyang ginagawa mo, iniwan ka na ni Cha, kaya dapat pabayaan mo na iyang sarili mo' yun ba talaga ang gusto mong marinig ah?!"

Hindi parin siya nagsasalita.

Siguro dapat malamang niya ang totoo.

"Sobrang mahal ka rin ni Cha."

"Hindi totoo yan."

"Mahal ka niya, totoo yun. Dahil hindi naman siya luluhod sa harap ko at magmamakaawa na alaagaan ka kung hindi ka niya mahal!"

---

"Ate Rad!"

Sabay na sabi nung dalawa pagkamulat ng mata ko.

"Teka? Anong nangyari?"

Tanong ko, paano naman kasi ako napunta sa hospital?

"Eh, Ate Rad. Bigla ka nalang po kasi nawalan ng malay kanina habang kausap si Mika. Sabi naman po sainyo dapat sa car ka nalang eh." Sagot naman ni Kim.

"Ah si Mika? Nasaan siya?"

Nagtinginan naman yung dalawa.

Ganito siguro yung naramdaman ni Mika noon noh?

Ang sakit pala talaga.

Na yung taong gustong-gusto mong makita pagmulat ng mata mo ay wala.

"Ah ano, ate Rad. Nakokosensya lang yung sa mga pinagggawa niya."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Where stories live. Discover now