Chapter 2 ✔

44.1K 1.1K 127
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

"Wow... parang nangangain ng mga boplogs ang village na 'to ha." Sabi ko nang nakanganga at naa-amaze sa mga bahay na nakikita ko.

Nandito na kasi ako sa Sierra Grisham Village. Hindi na ako nagpahatid kina Kuya Rico at sa asawa niya since nakakahiya na din.

"Block 173, Foxrock Street. Heto na nga yata yun." Pero teka hindi ba ako namamalik-mata? Nakatayo ako ngayon sa isang black and white contemporary luxury house, na may malaking garden sa loob. Shoot! Ito na ang dream house!

Biglang gumalaw yung camera sa may gate at may nagsalita, "Are you a guest?"

"Pfffttt." Natawa ako, nasabi kasi saakin ni Ate Pia na online security system daw ang nagbabantay sa bahay ng anak niya para malayo sa magnanakaw. Boses babae yung computer. Kausapin ko lang daw na parang tao. "Yes."

"Do you have the home password?"

"Yes." Nakasulat na sa palad ko yung eleven unique character password sa bahay na 'to.

"Please enter the password." I moved forward dun sa may pindutan at medyo kinakabahan ako. Nagwarning kasi saakin si Ate Pia na kapag na-enter ko daw ay wrong password, magti-trigger daw agad yung security alarm ng bahay at pwede pa akong mapagkamalang magnanakaw.

"Q-G-7-1-3-S-J-1-F-V-5" Sinasabi ko habang nanginginig sa pagpindot nung mga numbers at letters. Potek, hindi ako pwedeng magkamali.

Nakahinga lang ako ng malalim nang bumukas na yung gate. "Thank you and welcome to Mr. Eleazer's house. Please feel at home."

"Thank you! Thank you din!" Nag-bow pa ako dun sa security camera, parang tanga lang. Anyway, pumasok na ako at sumara naman agad yung gate. Saka ako dumirecho sa loob ng bahay.

"Tao po?" Kanina pa talaga ako nagtatao-po, pero wala nga talagang tao dito. Nakabalandra lang ang mga gamit ko sa tabi. Napatingin na lang ako sa mga nakadisplay na picture frames sa may side table.

"Siya na siguro yung Eli." Napangiti ako. "Ang cute!" Nakatingin ako sa picture ng isang lalaki, siguro mga twelve years old pa lang ang batang ito. "Pero ang bata naman niya para tumira lang ng mag-isa dito."

Well, malalaman ko rin ang lahat kapag dumating na siya. Ano bang malay ko, baka may personal yaya siya at kasama niya yun sa school. "Bakit naman kasi hindi ko na lang tinanong kay Ate Pia kahapon."

Inilipat ko na ang atensyon ko sa buong bahay. Para akong titira sa hotel nito! Kapag tinamaan ka nga naman ng swerte!

Fine Arts major in Interior Design ang course ko, kaya sobrang nakaka-amaze lang ang bahay na ito. At napagisip-isip ko na since wala namang tao, maglilibot muna ako.

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now