Chapter 37

25.4K 487 33
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

 

“SUNMI???”

 

“Na-neun dasi!!! (I’m back again) Tapos napatingin siya sa mga gamit namin. “Omo! Where are the two of you going? Hyuga-reul tteo-naneun ga? (Going on a vacation?)

 

“Ano daw Eli?” Ito namang si Sunmi, alam nang hindi ako nakakaintindi ng Korean eh. Baka mamaya minumura na niya ako.

“Uri-ga kaemping-ka-e it-sseumnida. (We’re going on a camping.)

 

“What? Now? Sasama ako! Magpapalit lang ako ng shorts and sneakers! Gi-daryeo! (Wait for me) Dali-dali namang pumasok sa loob ng bahay si Sunmi at iniwan yung dalawa niyang maleta.

“Teka, teka, anong ginagawa ni Sunmi dito?”

 

“Malay ko!!!”

 

“At sasama siya? Kararating niya lang from Korea.”

 

“Eh ano? Iiwanan natin siya dito?”

 

“Paano ‘tong mga gamit niya? Itong mga maleta niya”

 

“No choice. Dadalhin natin. Nanjan naman mga gamit niya eh.”

Maya-maya pa, dumating na yung inupahang van nina Waine. Kasama na sina Sheena, Raffy at si Beb na nasa loob ng sasakyan. Bumaba sina Argel at Waine para tulungan si Eli sa paglalagay nung mga gamit namin dun sa likod ng van.

“Ayiiiehhh!!! Dalian niyo! Excited na kami!!!”

 

“Eh kung tumutulong ka kasi dito magbuhat noh!”

 

“Kaya niyo na yan! Bakit pa kailangan tumulong ni Byron.”

 

“Edi ikaw ang tumulong saamin kung ayaw mong si Byron ang tutulong.”

 

“Eh teka nga, bakit may de-hilang maleta dito idol? Sam sayo ba ‘to? Camping tayo diba?”

 

“Hindi saakin yan.”

 

“Uwaaaahhh!!! Kay Eli yan?”

 

“Hoy! Hindi rin saakin yang mga yan!”

 

“Eh kanino yan?” Nagkatinginan lang kami ni Eli kasi hindi namin alam yung isasagot namin. Apaka-bilis naman kasi ng mga pangyayari! Kagulat-gulat pa kamo!

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now