Chapter 31

26.2K 497 24
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

Madaling araw na nang umuwi na sina Waine at ang iba pa. Madaling araw na din, hindi pa ako natatapos maglinis. Kung itatanong niyo naman ang magaling na damulag, hayun sa sofa na natulog!

Gumugulo pa rin sa isip ko ang problemang dinadala ni Waine. Yan tuloy hindi ko naitanong sa kanya kung saan sila nag-entrance exam nina Eli. Next time na lang!

Mabilis na lumipas ang araw at natapos na ang bakasyon. Nagsimula na ang second semester sa Edinham at ang nakakalungkot, parang ang daming nagbago matapos ang birthday ni Waine.

“Badessa, bakit hindi ka na naman pumasok?” Kahapon yung first day ng klase, pero hindi ko alam kung bakit hindi pumasok si Byron! Pati ngayon, wala na naman siya!

“Bukas promise!” Kausap ko siya sa phone at ang mas nakakapagtaka ay…

“Bakit ganyan ka magsalita?” Hindi ako sanay nang hindi kami nag-uusap ng ka-alienan nitong si Byron eh. “Nanjan ba si Raffy?”

“Wala… may klase siya ngayon. At masama na bang magtagalog ha Samira? Pilipino naman ako ha!”

Nag-pout na lang ako. “Namimiss na kita badessa! Pumasok ka na nga!”

“Hoy wag mo na nga akong tawaging badessa, nakakasawa na.” May lagnat ba siya? Bakit nagkakaganito si Byron?

Sasagutin ko pa sana siya dahil baka lang kasi nag-iinarte lang, pero may narinig akong boses… boses ng babae!

“Byron, heto. Ano sa tingin mo?” Parang pamilyar yung boses! Parang boses ni Sheena. "Mas bagay yata 'to sayo."

“Teka, magkasama kayo ni Sheena!!!” Bakit sila nagbabonding ng bestfriend ko?

“Bye na muna Sam. Bukas papasok na ako, okay?”

“Wait lang bades…”

And he hung up the phone! After nung birthday party ni Waine, ito ang isang pagbabago! Hindi ko alam pero nabawasan na yung time namin ni Byron, samantalang madalas kaming mag-usap sa phone!

Tapos si Sheena, parang madalas niyang nakakasama. Hindi ko ma-gets kung anong nagiging takbo ng kwento nila… but I miss Byron!

“Oh bakit na naman daw absent ang kaibigan mo?”

“Nasa gimik.” Buti na lang kasama ko itong si Kian. Infairness sa kanya, may nakakasama ako ngayong kasisimula pa lang ng pasukan. And infairness ulit dahil magaling na ang mga sugat niya! Ang gwapo-gwapo ni Kian!

“Alam mo kung talagang may nangyaring ganyang scene sa party ng kaibigan mo, hindi malayong may something na nga sa babaeng yun at sa bestfriend mong si Byron.” Daldal ko noh! Nakwento ko na yun sa kanya! Kaming dalawa lang kasi nitong si Kian ang magkadaldalan! And to think na classmate ko siya sa lahat ng subjects ko!

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now