Chapter 17

33.9K 706 109
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami agad ng magaling na si Sunmi. Heto na naman tayo!

"Magkasama kayo?"

"Pareho kaming hindi pumasok." At naupo agad si Eli sa sofa. Pagod na pagod!

"Where did you go?" Tumabi siya kay Eli, hindi na ako pinansin. "Sa mall? You went to mall without me?"

"Nasa kwarto ka kanina eh. Natutulog ka pa yata nun."

Then she gave me that secret glare again. Tusukin ko mata nito eh! "It's alright oppa. You seem so tired na din. Bakit hindi ka muna pumasok sa kwarto mo at magpahinga." NO ELI!!! Wag mo akong iwan sa kanya!

"Sinabi mo pa! Oh, tulungan mo na lang si Sam na mag-ayos nitong mga pinamili naming groceries ha."

"Sure!" Tapos tumabi siya saakin at kunyari kinuha rin ang mga bitbit ko. "Rest well oppa!"

And Eli went up to his room, kaya kami na lang ang naiwan dito sa baba. Nauna na akong pumunta sa kitchen at ipinatong na yung mga pinamili ko sa lamesa.

Lumapit siya saakin, tahimik lang, at yung aura niya, nakakapangilabot!

"Need my help with this?" Ipinatong na din niya yung plastic at nakatayo lang siya sa gilid ko.

"Don't worry Sunmi, alam ko namang ayaw mo talagang tumulong eh. You can just leave me."

Hindi ko na lang talaga siya papansinin para wala nang gulo! Kapag pumatol na naman kasi ako sa bipolar na 'to, magkakagulo na naman.

"Didn't I warned you before? Sana tinuloy mo na lang yung stay mo dun sa kaibigan mo. Sana hindi ka na nagpakita pa dito!"

Whatever Sunmi! Talk to yourself! Bahala ka sa buhay mo.

"I still got one week here... and do you know what it means? Your hell starts this DAY!"

My hell? As if I still care! Simula nung dumating siya, impyerno na kaya! Tinalikuran ko lang siya at inilagay ko yung attention ko sa pag-aayos ng canned goods na pinamili namin ni Eli.

Kaso lumapit siya saakin, at napapikit na lang ako dahil ang akala ko sasaktan niya ako eh. But I didn't expect her move, hinawi niya lahat ang mga de-lata kaya nagsihulugan at gumulong ito sa sahig.

Hindi pa siya tapos, yung isa pang plastic bag na puno ng mga pagkaing pinamili namin, ikinalat niya sa sahig.

"DAMN YOU! I HATE YOU! WHY WON'T YOU JUST DISAPPEAR!"

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now