Chapter 44

21.5K 429 38
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

“So gugustuhin mong makasama yung Kian na yun kesa saakin?”

“Ilang ulit ko bang ipapaliwanag na hindi si Kian ang pinipili ko! Kailangan naming magpunta dun sa location para sa finals namin.”

“Ganun din yun. Kung tutuloy ka bukas, eh di siya rin makakasama mo.”

“Pwede naman kasi na sa ibang araw na lang...”

“Hindi mo naiintindihan Sam! Lagi kitang priority tapos ganitong bagay lang, hindi mo pa ako mapagbigyan? Kung bukas hindi ka papipigil, fine! Wag na nating ituloy!” Tapos bigla na lang siyang nag-walkout at umakyat sa taas.

I knew this will happen, pero wala naman akong choice! Kung hindi ko sasamahan si Kian bukas, baka tuluyan siyang maghinala saaming dalawa ni Eli.

Ito namang si Eli, tampururot agad! Pero hindi ko naman siya masisi kasi planado namin yung date eh. At isa pa, kaya nga daw siya hindi na umattend sa prom para lang ako ang makasama niya sa Valentines dahil hindi naman pwede na ako ang isama niyang date sa South Grisham.

Bakit ba hirap ng situation namin? Bakit ba mahirap yun initindihin?

*     *     *

(ELEAZER PASCUAL POV)

Nananadya talaga yung Kian na yun! Ayus maka-timing! Sinakto talaga sa araw ng Valentines!

Nakakaka-badtrip dahil ngayon ko pa naman gagawin yung matagal ko nang pinaplano para saamin ni Sam. Ano yung plano na yun? Wala na!!! Hindi na matutuloy!!! Bwiset!!! “Yow Idol!”

Kanina pang umaga sila nandito imbes na maghanda na lang para sa prom na gaganapin mamaya.

“Ang tagal naman ni Sam. Kanina pa yun nagkukulong sa kwarto.”

“Nice! Ano bang plano niyo ngayong Valentines ha at ang OA sa preparationg ng girlfriend mo?”

“Wala kaming date! Hindi na tuloy.”

“Ha??? Bakit???”

“Naalala niyo yung taeng kinukwento ko? Yung Kian, isasama si Sam dun sa location nila para daw sa final project nila.”

“Kaya hindi kayo matutuloy?”

“Paulit-ulit? Binge ka ba?”

“Woah! Pasensya naman! Ang init ng ulo!!!”

“Eh di paano yan? Sama ka na lang sa prom mamaya para hindi ka mag-isa dito.”

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now