Chapter 30

26K 519 27
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

 

"Happy Birthday Waine!!!"

Ang saya-saya, ang daming tao! Nag-iinuman nga sina Eli, Waine at Argel samantalang nagkakantahan lang kaming mga babae... and when I say kaming mga babae, kasama si badessa dun.

"Pahinge na kasi Eli-byu!" At nagwawala si Byron dahil ayaw siyang bigyan ng alak ni Eli. Ewan ko kung bakit.

"Teka nga, bakit tao ka magsalita ngayon? Ano nang nangyari sa ka-alienan mo?"

 

"Kasi nanjan si Raffy." Binulungan ko si Eli kasi hindi sumagot si Byron. "Naasar kasi yang kambal niya kapag naggi-gay lingo yang si Byron. Hindi niya maintindihan."

 

"Ganun?"

 

"At ikaw naman, wag kang uminom masyado! Baka malasing ka."

Pero hindi naman ako pinansin ni Eli. Bayaan mo na nga siya Sam, malaki na yang si Eli! Hindi ka na dapat nag-aalala jan!

*     *     *

Ang dami kong napapansing kakaiba at sobrang weird ngayon! Heto ang list:

1. Si Byron kasi ang demure ng kilos ngayon. Ni hindi niya nilalandi sina Eli-byu, Papa Arji at ang birthday boy na si Wainey dear! Pa-behave ang badessa!

2. Tapos yung maingay na Sheena, ang tahimik ngayon! Pero ang madalas niyang tanungin at kausapin si Byron...???

3. May kakaibang tinginan sina Argel, Waine at Raffy... feeling ko kasi trip ng boys si Raffy. Kaso itong si Raffy si Eli ang pinapansin. Hindi sa nagseselos ako... basta!

4. Nao-OP ako! Paano kasi 'tong si Eli, panay ang utos saakin! lagi akong pinapapunta sa kusina! Kung may time na para kausapin ko yung iba, bigla naman siyang sisingit!

5. Ito ang pinaka-weirdo sa lahat, bakit naunang nag-birthday si Waine kesa kina Argel at Eli. Maitanong ko nga sa kanila mamaya!

"Oh heto na yung yelo!" Naupo na ako at inobserbahan lang sila. "Waine ilang taon ka na ngayon?"

 

"19 na ako ngayon. Magkasing-edad na tayo Sam!"

 

"Ahhh... eh sino pa lang mas matanda sainyong tatlo ha?"

 

"Ako! nung July 19 pa ako nag-birthday." Sagot naman ni Argel.

Hindi ko akalaing si Argel pala ang pinakamatanda sa kanila! Eh siya itong pinaka-isip-bata kung kumilos! "Teka so does this mean na si Eli ang pinaka-bata sa inyo?"

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now