Chapter 40

24K 473 40
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

 

 

“How about we play a game?” Maganda ang naging bungad ng araw na ito. Hinandaan kami ng masarap na breakfast ni Sunmi. Marunong at magaling naman pala siyang magluto eh. At kita mo naman, halatang nagri-reach out na siya sa lahat! “Couple battle. Byron and Sheena VS Argel and Raffy VS Eli and Sam!”

 

“Ops may nakalimutan! May Waine and Sunmi din dapat!”

 

“No! Hindi kami kasali! We’re not a couple! Eww!”

 

“Ang KJ nito! Gusto kong sumali eh! Okay lang naman saakin kahit pagtyagaan ka.”

 

“Fine! So ano… lahat ba kayo game?”

Tapos nagtinginan ang magkakagalit na couple. Ang aarte lang ng SheeRon at ArFFy loveteam ha! At syempre, umeksena din ang EliSam na kunyari ay magkagalit din! “Oo na! We’re in!”

 

 “Sige na lang, boring naman kung walang gagawin.”

 

“Okay, wala namang choice eh.” Inarte much! Ang ko-korni! Ahaha.

GAME ONE: Acting Game

 

“Each couple will be given five minutes. Salitan ‘to, after mag-act out ng boy, yung girl naman ang magpapahula. No verbal language, no sounds and most especially no hand or body gestures.”

 

“Teka! Paano ka magcha-charade nun?”

Biglang nag-smirk si Sunmi. “Well, since this is no ordinary charade, the players should only act out by facial expressions.” Ohmaygawd! Ang taba ng utak nitong si Sunmi! Good luck na lang kung paano namin gagawin yun! Balahuraan ba ng pagmumukha ‘to? “Ang mananalong couple at the end of all games ay pwede nang hindi tumulong magtrabaho hanggang sa matapos ang camping na ’to.” Syempre nagbunyi naman kami sa prize.

“Game!!! Simulan na yan!!!” Over sa fighting spirit ang mga ‘to! Gusto talagang manalo para lang makalibre ng gawain! Ahahaha!

Unang sumalang sina Argel at Raffy. “Ang nakuha ng ArFFy couple ay, Animals! Okay, ready! Timer starts now!!!”

Unang nagpahula si Argel at kasisimula pa lang, kinakabag na kami kakatawa sa facial expression na ginagawa niya.

“Chameleon!? Hipopotamus!? Zebra!? Hyena!? Talakitok!?”

 

“Hmmm!” - (≧﹏≦) Hindi rin alam ni Argel kung sisimangot ba siya o matatawa! Grabe naman kasi ‘tong si Raffy! Hindi man lang magsabi ng ordinaryong hayop! Pwede namang baboy! O kaya pusa! O kaya daga!

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now