Special Chapter 7

23.8K 425 43
                                    

Limang araw at apat na gabi ang naging camping ng tropa, at alam kong iniisip niyo na mas nabigyan ng attention noong mga nakalipas na chapters ang lovelife nina SheeRon, ArFFy and especially SunmAine Couple.

So anong nangyari sa Alien Couple? Heto ang hindi natin alam sa pagitan nina Eli at Sam. Hindi naman pwedeng manatiling sekreto ito, lalo pa at silang dalawa ang magkasama sa iisang tent. Ang mga sumusunod na eksena ay ang mga nangyari noong nakalipas na mga gabi sa camping nila. Patnubay ng magulang ang kailangan para sa mga mambabasa… joke lang!

                                                                Four Nights of… Love?

                                                             (ELEAZER PASCUAL POV)

NIGHT 1:

“Woohoo walang harangan ito!” Ang luwag na sobra! Pang apatan na tao kasi itong tent na nabunot namin ni Bugal. Yes! Ang sarap ng tulog ko nito.

Saka pumasok si Sam na nakasuot na ng makapal na jacket para pantulog. “Yow Sammy!”

“Yow Sammy mo mukha mo!” Hindi niya ako pinapansin tapos dumirecho dun sa pinakagilid.

Tamang sagot naman masyado! “Wala kang utang na loob ha! Matapos kong ibigay ang plano ko sayo, susungitan mo lang ako.”

“Ikaw lang ba pwedeng mag-sungit? At tsaka nagpa-practice na ako para sa acting debut ko bukas! Kelangan maka-ipon ako ng galit at inis para mas effective yung kunwariang LQ.”

“Ah, okay.” Masyado siyang apektado sa mga yun, hindi niya isipin sariling niyang lovelife noh? Mahina rin ‘tong babaeng ‘to eh. Nakahiga na ako habang tinitignan naman siya na talagang sumisiksik sa may pinakagilid ng tent namin. “Oy… maluwag pa dito. Bakit jan ka?”

“Kasi ayokong tumabi sayo.” Wushu, nahiya pa! Tapos tinalikuran niya ako so hindi ko na nakikita ang mukha niya. “Good night!”

“Weh? Matutulog ka na talaga?” Tapos dinutdot ko yung likod niya gamit ang paa ko.

“Aray!!! Eli ha!!!”

“Dito ka nga! Ang korni nito!”

“Wag ka ngang epal! Gusto ko sa pwestong ‘to! At kasi nga ayaw kitang katabi!”

“Ang kapal nito! Bakit anong iniisip mo, na gagapangin talaga kita?”

“Lalaki ka at babae ako! Ano na lang iisipin ng iba kung maabutan magtatabi tayo noh! Malala na nga na magkasama tayo sa isang tent! At least pag ganito, wholesome pa rin!”

Bwiset! Nakakairita ‘tong babaeng ‘to! Hindi na niya ako ulit hinarap so tinalikuran ko na lang din siya. Kapag ako hindi nakapagtimpi baka gapangin ko talaga siya! Pero syempre, joke lang yun!!!

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now