Chapter 28

28.8K 567 43
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

"Hoy bugal!" Ngayon lang nagsink-in sa utak ko kung gaano kami ka-korni! At kung gaano kapangit ang tawag niya saakin! Ano ba yang salitang yan? Ni wala sa dictionary yun ni badessa eh. Pinilit kong palitan, pero trip na trip na ni Eli yung pagtawag saakin nun! Ang laking timongoloid naman niya kasi! "Bakit ang aga mo ngayon ha?"

 

"Mag-eenroll na ako for second sem."

 

"Sinong kasama mo? Si Byron?"

 

"Hindi nga eh. Nauna na siyang makapag-enroll kahapon. Samahan mo ako?"

Tinitigan niya ako bigla. "Weh, pumaparaan oh! Ipandi-display mo lang ako sa school niyo eh." Tapos nag-feeling gwapo siya... okay so gwapo naman talaga kasi siya!

"Lakas mo Eli! Isa kang malaking junanax sa buhay ko!" Na-bwiset ako! Paano ko siya idi-display eh hindi naman namin pwedeng ipakita na KAMI! "Alis na ako ha."

 

"Sure! Bye beybe!"

Nilingon ko siya. So wala talaga siyang balak ihatid ako sa school? Kahit itong time lang na 'to! At tsaka may something fishy dahil hindi siya nakapambahay! "Hoy... bakit ka nakabihis?"

 

"Gusto mong nakahubad ako?" Tapos kunyari tinakpan niya yung katawan niya! Feeling naman ng lalaking ito!!!

"Wag mo nga akong pilosopohin! I mean, may lakad ka rin ba? Bakit naka-ayos ka jan?"

 

"Ah! Mage-entrance exam din ako ngayon. Hinihintay ko sina Waine at Argel." What? Oo nga pala noh, nakakalahating-taon na kami eh! Malapit na siyang mag-graduate! Malapit na siyang mag-college!

"Saan kayo mage-exam? Saang university niyo balak mag-aral ha?" Hindi niya ako sinagot. "Sige tama yan Eli ha, wag mo akong sagutin."

 

"Ang dami naman kasing tanong. Kung saan-saan lang!" Sabay kamot sa ulo niya! Pag siya ang makulit okay lang. Kapag siya ang kinukulit, ang pikon! "Lumayas ka na nga kasi at mag-eenroll ka pa diba. Sige ka baka maubusan ka ng subjects."

 

"SUNGIT MO! Bahala ka nga jan!"

Ayayayay! Isang ordinaryong araw na naman! Kami ng boyfriend kong damulag, as usual nag-aaway na naman! Okay lang, malaki na naman siya! Mas malaki pa nga siya kesa saakin eh. Bahala na siya kung saan siya mag-aaral sa college!

"Wag mong itatanong saakin yung schedule na kukunin ko ha!" Panakot ko at padabog na akong lumabas ng bahay. Hindi naman niya ako pinansin at nandun pa rin siya, nakaupo lang sa sofa!

Ah tama, wala akong makuhang matinong sagot sa kanya ha. Sina Waine at Argel na lang ang tatanungin ko kapag nagkita kami!

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon