Chapter 5 ✔

40.2K 986 90
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

After kong magluto, tinawag ko na sina Eli at ang mga kaibigan niya para kumain. Nang maupo kami sa harap ng lamesa...

"Wow! Ano yan?"

"Mukhang masarap! Ang bango pa!"

Syempre natuwa naman ako. "Sweet and spicy crab."

Paki-google na lang kasi hindi ko pa nga ini-explain kung ano yung niluto ko, kumain na agad silang tatlo. Sa totoo lang, nakakatuwa naman silang tignan. Sarap na sarap silang kumain.

"Auntie Sam, tubig nga!"

"Ha? Hindi pa nga ako kumakain eh." Pero sige, dahil tinawag niya akong Auntie Sam, ikukuha ko sila ng tubig.

Paglagay ko nang pitchel ng tubig sa harapan nila. "Nasaan ang mga baso? Ano 'to kakamayin namin ang pag-inom?" Aba't! Siya na nga pinagluto eh. "Sa susunod kasi kumpletuhin mo kapag nag-aayos ka ng mesa."

Hindi na sana ako papayag, kaso sumagot naman 'tong mga kaibigan niya. "Sige na po... please, mabubulunan na kami."

"Please... Ate Sam." Ang wawagas ng mga ngiti nila. Pasalamat sila mga cute sila! So kahit labag sa loob ko, kinuhaan ko na lang sila ng baso.

Pagdating ko sa lamesa, kumain na din ako agad. Nagpaka-busy na ako, baka mamaya kung ano pang iutos nila saakin.

Habang kumakain, tinitignan ko lang silang tatlo. Nagtatawanan sila habang kumakain. Nao-OP nga ako eh, sobrang close kasi nila. Pero grabe, ang gagwapo nila. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako napalibutan ng mga ganitong kaga-gwapong lalaki. Kaso ginagawa nila akong  utusan.

"Oh, dahil ako ang nagluto, kayo na magligpit nitong kinainan at maghugas ng plato ha." Natigil sila bigla sa pagtawa. Seryoso ako. Sakto din, tapos na kaming kumain.

Nagtinginan yung tatlo na parang may binabalak. Maya-maya, hinawakan ni Waine ang left hand ko. Tapos si Argel naman, hinawakan ang right hand ko. Ano 'to inlove na ba sila saakin? Hindi pwede!

Saka tumayo si Eli at inilapit ang mukha niya saakin. What's the meaning of this, hina-harass nila ako ng mga kagwapuhan nila. "Auntie Sam, ang sarap mo talagang magluto." Sinabi niya nang sobrang sweet at ang lamig pa ng boses niya.

"Oo nga... pwede bang gawin ka na lang din naming Auntie?"

"Oo nga, Auntie Sam."

Napapikit ako. Ang sarap ng feeling na nire-respeto nila ako nang ganito. Auntie Sam daw... "Oh... oh sige..."

Then I felt na parang wala nang tao sa paligid ko. Wala nang nakahawak sa kamay ko, at parang narinig ko silang nag-alisan sa lamesa. "Hoy!"

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now