Chapter 16

33.1K 713 35
                                    

(ELEAZER PASCUAL POV)

Pakingshet!!! Kasalanan nina Argel at Waine 'to! Sila may plano nito eh. Umiiyak tuloy sa harap ko si Sam, anong gagawin ko? "Uy Sam!"

Hindi niya lang ako pinansin, at nakatakip lang siya sa mata niya. Actually, this is all my fault, I think sobra na yata ang ginawa ko sa kanya this time. I stood up, and lifted her up too, pero umiiyak pa rin siya. "Sam... Wag ka nang umiyak!"

Paano ba magpatahan ng babae? Tap her head? Tap her shoulder? Hug? Kiss? "Uy Sam! Pansinin mo na ako!"

But she kept on crying. "Lagi ka na lang ganyan! Gusto mo sayo palagi ang masusunod! Kung itrato mo ako para mo akong katulong ha!"

Napakamot ako sa ulo ko. "Sige ka... kapag hindi ka tumigil sa kaiiyak jan... um... papangit ka."

"Uwaaaahhhhhhh!" Lalo siyang umiyak nang malakas. Syeeetttt!!! Ano bang gagawin ko!!! "Ang sama mo talaga Eli!!!"

"JOKE LANG! Tumigil ka na nga!" Tinakpan ko ang bibig niya tapos pinunas-punasan ang mga luha sa mukha niya. Pumapalag pa eh, kaso kinulit ko na lang para matigil na siya. "Joke lang yun!"

*sniff... sniff...*

*sigh...*

"Alright, this is all my fault! Masyado na ba akong masama sayo? Sige suntukin mo ako para makaganti ka."

"And you think I would want to do that!"

"Eh!!!" Tapos inalog ko siya. "Ano bang gusto mong gawin ko para quits na tayo."

"Sana maramdaman mo yung lagi mong pinaparamdam saakin! Inaalila mo ako, inaaway palagi, sinusungitan! Ganyan ka ba sa lahat ng taong nasa paligid mo! Lagi mo akong tinatrato ng masama!"

"Mabait pa nga ako sa'yo eh." Napabulong ako but... "Fine!"

Napatingin siya saakin. Ayoko sanang gawin 'to dahil parang bumababa ang level ko, kaso ayoko naman kasing nagpapa-iyak ng babae. Nasisira yung katiting na gentleman image ko eh.

"Eh di iparamdam mo saakin yun! Alilain mo ako, awayin mo ako, sungitan mo ako!" Martyr ko noh! Nasabi ko na eh... wala na sigurong bawian. Pero syempre, hihirit ako kahit konti... "Gantihan mo ako in whatever ways you like... pero ngayong araw lang na 'to ha!"

"Talaga?"

"Oo..." Parang hindi pa ako sure... potek! Ako magiging alila niya! Hay naku po! Ano ba 'tng pinasok ko bigla! "Oo! Treat me as bad as you want. At hindi kita gagantihan."

My Nephew-in-Law [EDITING]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum