Chapter 49

19.6K 414 36
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

“Ikaw?”

“Hello Samira.”

“Cyler…”

“Oo classmate!”  Idinampi pa niya sa mukha ko yung mabaho niyang kamay. “Ang tagal kitang minanmanan. Lumipat pa talaga ako sa Edinham para lang makita ko ang babaeng pinag-uusapan ng lahat! Ang babaeng nagpataob sa Idol! Ikaw lang pala yun.”

“Walang hiya ka! Pakawalan mo kami dito! Akala mo, pakukulong ka namin! Tandaan mo yan!”

Then he just laughed at me. An evil laugh! “Tingin mo takot pa ako sa kulungan? Labas-pasok na ako doon! Wala na akong pake kahit pagkatapos nito mahuli ako agad ng pulis dahil madali lang naman para saakin na mag-pyansa eh! Pinaghandaan ko ‘to!” Saka siya lumapit naman kay Eli. “Ang mahalaga lang saakin…” At sinikmuraan siya. “Ang makaganti sa mayabang na Eleazer na ‘to!!!”

“Tama na!!!”

“Kapag… nakawala kami dito…” Kahit naghahabol na ng hininga, pinipilit pa rin ni Eli na magsalita. “Sisiguraduhin kong… hindi ka na… makakalaya… tandaan mo yan… panget!!!”

“Hwahahahaha!!!” Then he kicked him without hesitation. Mga halang ang kaluluwa. I hope they all burn in hell especially him. “Alam mo kung anong plano ko sayo, Idol? Una, sisiguraduhin kong mababaldado ka na ng tuluyan nang hindi ka na makalaban pa ulit. At pangalawa at higit sa lahat, sisirain ko yang pinagmamalaki mong mukha!”

Kumuha siya ng tubo while the others were holding large paddles. Balak ba nilang pagtulungan ng sabay-sabay si Eli? Hindi pa sila kuntento sa pambubugbog nila sa kanya kanina.

“Ibuhos niyo na ang lahat ng lakas niyo sa round two!” Saka siya lumingon ulit saakin. “At ikaw panoorin mong mabuti ang gagawin namin sa boyfriend mo ha.”

“Wag!!! Please!!! Maawa na kayo!!!”

“Sam… pikit mo lang ang mga mata mo.”

Walang tigil nang umaagos ang mga luha ko sa mata. Paano ko magagawang pumikit kung alam kong pwede niya itong ikamatay.

Nung sisimulan na sana nila, may kung anong tumulak sa bibig ko…

“SANDALI!!!” Natigil sila at kita ko sa mga mata ni Eli ang takot at pagtataka sa pagpigil ko sa kanila... “Ako na lang… ako na lang.”

“Wag…”

“Ako na lang saktan niyo! Mas makakaganti kayo kay Eli kapag ako ang sinaktan niyo. Please, wag niyo na siyang saktan. Ako na lang!”

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now