Chapter 47

22.9K 427 22
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

Dahil sa lumalalang mga atake na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapaliwanag ni Eli, pati sa school hatid-sundo na niya ako. Pero actually, parang hindi lang talaga yun ang dahilan.

Kailangan ko pa bang sabihin kung ano yun? Binabantayan lang naman din niya ako kay Kian. Pero ano naman kayang magagawa ng boyfriend ko noh kung pagpasok ko sa loob, magkikita at magkikita pa rin talaga kami ni Kian.

Nasa study area ako habang hinihintay si Byron. Hindi siya pumasok sa first subject namin kanina. As usual, lantungan with Sheena na naman yun.

“Hey!” Biglang may tumapik na lang sa likod ko. Si Kian.

“Ah… hi.” After nung nangyari, hindi naiwasan na maging awkward. At dahil hindi na nga ako kumportable na ganun na pala ang nararamdaman niya saakin, kaya pinili kong umiwas.

“Magi-end na itong sem, wala ka pa ring balak kausapin ako?”

“Nag-uusap na tayo ha.”

“You’re not hanging out with me anymore.”

“Dahil ayokong lumala ang sitwasyon.” Natahimik kami bigla pareho. Aish! Ayoko ng ganito kahirap na sitwasyon! Gusto ko na lang umalis!

“Usap-usapan pa rin nung mga nakasama natin nung shoot yung tungkol sa inyo ni Eli.”

“I don’t care.” Bakit ko iisipin yun sinasabi ng iba?

Na kesho step-aunt ako at pamangkin ko siya! Na kesho nakatira kami sa iisang bahay na kaming dalawa lang. Na kesho ganito at ganyan! Eh kung yung Kuya ko nga at Mama ni Eli, payag sa relasyon naming dalawa, tapos sila pa mambabatikos ngayon!

“Sam… why can’t you choose me.”

“Simple lang naman ang sagot eh, because you’re not him.” Napayuko siya bigla. Ang harsh ba ng pagkakasabi ko? Pero kung hindi ko yun sasabihin ng direcho, mas masasaktan naman siya diba? “Kian, kaibigan kita at malapit ako sayo. But if you still insist about what you feel, I'm sorry. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman. Let’s save our friendship, so please, try to forget about me.”

Hindi niya ako sinagot. Silence means yes… tama ba? But looking at Kian’s expression, I don’t think it’s a yes.

Matatanggap ko naman sana na gusto niya ako, pero wag lang ipilit ang sarili niya saakin. At higit sa lahat, wag niyang ipamukha saakin na ang lalaking mahal ko ay hindi nararapat saakin.

Kaya nga kung hindi ito maayos, mas pipiliin ko na lang na layuan siya para wala nang gulo.

Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ang kamay ko. Tinulak ko naman siya palayo! Baka kasi kung saan na naman mapunta yun! Kaso napalakas yata ang tulak ko at bigla na lang siya natumba.

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now