EPILOGUE

29.5K 604 150
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

After the incident, wala daw akong malay for almost two weeks. 50-50 daw  ang naging condition ko dahil sa pagkaubos ng dugo ko pero nakaligtas naman ako.

Dahil sa inabot ng ilang linggo ang pagpapagaling ko, hindi na ako naka-attend ng graduation ng South Grisham. Hindi ko tuloy sila nakita nung kunin na nila yung diploma nila.

“Sam, sigurado ka bang kaya mo na?” Tanong saakin ni kuya Rico. Siya kasi ang nagda-drive ngayon ng sasakyan. I just got out from the hospital.

“Yeah. Kaya ko na ‘to.”

Kasama namin sina Waine at Argel. Kinuwento nila saamin kung paano kami nailigtas noon sa mga kamay ni Cyler. Nung nakipag-agawan daw ng baril si Kian, saktong dumating na yung mga pulis kasama si Kyle.

Wala nang nagawa si Cyler nun kundi sumuko dahil na din sa pakiusap ng kapatid niya. Sa ngayon, nasa kulungan na siya at matindi ang kasong kaharap niya. Si Kyle naman, nasa pangangalaga ng DSWD.

“Nandito na tayo.”

Nakatingin ako sa labas ngayon. Napakalawak nung lugar. Bumaba na ako sa sasakyan at nagprisintang naman sina Waine at Argel na samahan ako.

“Kayo nang bahala sa kanya. Dito na lang ako magbabantay sa sasakyan.”

Tumingin naman ako kina Waine. “Tara na. Hinihintay na ako ni Eli.”

Nginitian lang nila ako at sabay na kaming naglakad.

Ilang sandali pa, nakita ko na si Eli.

Nandun siya, naghihintay sa may gitna.

*sniff… sniff*

Hindi ako iiyak. Hindi…

“Narito na tayo Sam.”

Tahimik lang akong nakayuko. Nakatitig sa kung saan nakapwesto ngayon si Eli.

Eleazer Pascual

February 03, 1993 – April 06, 2012

He was a man who stood strong in protecting his loved one.

He gave his all and now he is gone, but never forgotten.

We will always love you.

Napatakip ako ng bibig ko habang pinipigil ang pagtulo ng luha ko. I have cried enough. Natutuyo na ang mga mata ko. “Mas maganda pa yung ginawa niyang epitaph para kay Rinoa noon noh?” Idinaan ko na lang sa biro.

Inakbayan naman ako nina Waine at Argel. “Ang duga nga ni Idol. Dapat ako ang aalis eh, inunahan pa niya ako.”

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now