Chapter 9

36.3K 731 38
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

Kakaiba talaga yung kabaitan ni Eli noon eh! Biruin mo, naka-close niya agad si Byron! At parang nabawasan yata ang pang-aasar niya saakin.

Pero sabi ko na nga ba! May sakit nga si Eli kaya ganun siya! Kanina kasi nung ginising niya ako, parang wala pa siya sa mood. Nung pinagluto ko na siya, wala naman siyang ganang kumain.

"May problema ba Eli?" Hindi siya sumagot. Parang namumutla pa yung mukha niya kaya hinawakan ko ang pisngi niya.

"Ano ba!" Iniwas niya yung mukha niya. Nahiya pa!

"Mainit ka Eli! May sinat ka!" Mainit talaga siya. "Wag ka na munang kayang pumasok? You should rest."

Hindi niya lang ako pinakinggan at kinuha na ang bag niya. "Exam namin ngayon." Tapos tuluyan na siyang umalis. Ang tigas talaga ng ulo!

(ELEAZER PASCUAL POV)

Sana pala nakinig ako kanina kay Sam. Ang sakit ng ulo ko, syet! Hindi ako makapag-concentrate! Natapos yung first exam namin at meron kaming thirty-minute break. I just kept quiet.

"Ano ka ba babyloves, hindi kami makapag-concentrate sa pagre-review." Si Waine habang may pinopormahang babae mula sa ibang section.

"Oo nga... mamaya na tayo mag-enjoy, okay?" Si Argel naman habang may kaakbay na isa pang babae. Hindi naman talaga nagre-review ang mga kumag eh. Nagpapa-pogi points lang sila sa mga girls.

Tinignan ko sila, at dahil sa killer looks ko, nalipat tuloy yung attention saakin. "Hi Eli!" Nagpapa-cute na yung mga babae saakin.

"Sino ba kayo? Bakit kayo nandito sa room?"

"Idol! Wag mo namang saktan sina babylove namin! Ito nga pala si Shinaya!" Inakbayan ni Argel yung Shinaya. Naku girls kung alam niyo lang, minamanyak lang kayo niyan!

"Hello! Ako nga pala si Shinaya!" - (*_*)

 

"At ito naman si Jeanena ng buhay ko!" Si Waine naman, ni-kiss yung kamay nung Jeanena! Ay isa pang manyak... Kawawang mga babae.

"Ako naman si Jeanena..." (^o^)

"Actually Eleazer, ikaw talaga ang pinunta namin dito eh."

 

"Oo nga Eleazer!

 

"BABYLOVE?!?" Ang sama ng itsura ni Argel.

"SALAWAHAN KAYO! Mga mang-gagamit!" Basag naman ang puso ni Waine! Ang gwapo ko kasi! Ahahaha!

My Nephew-in-Law [EDITING]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum