Chapter 25

33.3K 702 54
                                    

 (SAMIRA ALMIREZ POV)

Ang bilis lang lumipas ng mga araw, sembreak na pala! At dahil dalawang linggo lang ang bakasyon ko, lulubus-lubusin ko na ang pahinga.

"Sam! Sam! Sam! Sam! Sam! Sam! Sam! Sam! Sam......iiiiiiiiiiirrrraa!"

"Itong damulag na 'to talaga!!! Ang ingay mo!" At nagtakip na lang ako ng unan.

"Sa lahat naman ng damulag ako lang yung gwapo!" Inuuga ni Eli yung kama ko at ginigising ako kahit 5:30 pa lang ng umaga. "Breakfast ko!"

Gumaling na kasi lahat ng sugat ko kaya yan, kung utus-utusan niya ako ulit, daig ko pa ang katulong sa bahay niya! Well, wala naman akong nagawa kundi ang bumangon at lutuan na siya ng pagkain niya. "Blueberry-cheese pancake pa rin ba?"

"Yun oh! Hindi ko na pala kailangang sabihin eh." Bwiset na lalaki 'to! Matapos niyang siguraduhing naghahanda na nga ako ng almusal niya, pumunta na siya sa sala at nanood na ng favorite niyang Korean variety show.

Pagkatapos kong magluto, tinawag ko na siya at sabik na sabik naman siyang pumunta sa harap ng lamesa at nilapastangan na yung pagkaing nakahanda. Tahimik na lang din akong kumakain, at nagulat na lang ako bigla nung mabulunan sa harap ko si Eli.

"Ano ba yan!!!" Napatayo ako at kinuhaan siya ng tubig at pinainom ko na siya agad. "Magdahan-dahan ka naman kasi sa pagkain. Wala naman sina Waine at Argel dito na kaagaw mo sa pagkain eh." Sinasabi ko yun, with matching himas sa likod niya. Nabulunan nga kasi siya diba!

"Kung magsalita ka akala mo nanay kita ha."

"Ikaw na nga 'tong inaalala!" At bumalik na ako sa kinauupuan ko. "Auntie mo lang naman ako noh!"

Pagkasabi ko nun, bigla naman siyang nagdamog sa harap ko. "Hoy Samira Almirez! Baka nakakalimutan mo, girlfriend kita!"

Ako - (⊙.⊙❤)

Eli - (◣_◢)

Oo nga noh... kami na nga pala. Isang buwan na namin tinatago ang relasyon naming dalawa eh. Pagkatapos naming kumain, nagligpit na ako ng lamesa pero lumapit siya saakin. Hinawi niya yung buhok ko at tumitig lang sa mukha ko.

"Para kang tanga! Ano ba!" Tinalikuran ko siya dahil namumula na yata yung mukha ko. Nahihiya ako at kinikilig pa ako sa twing gumaganyan siya eh.

"Wosshhh!!! Bakit ka nako-conscious? Sinisilip ko lang yung mukha mo!"

"Timongoloid ka kasi!!! Dun ka na nga!"

"Tigilan mo nga yang kakatawag saakin ng timongoloid! Pati sina Waine at Argel, nakakalimutan na akong tawaging Idol minsan eh. Nati-timongoloid na din sila!"

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now