Special Chapter 6

27.2K 470 21
                                    

                                                                     Babyloves?

                                                              (ARGEL RIVAS POV)

"Sakit ng ulo ko!" Hindi na talaga ako iinom! Joke lang... saka lang naman ako umiinom kapag may occasion eh. At tsaka birthday naman ni pareng Waine kahapon! Nilubos ko lang yung alak!

"Hoy Argel! Iinom-inom ka, mag-aalburuto ka ngayon sa ulo mo! Tumayo ka na nga jan at ihatid mo 'to sa customer natin!"

"Mamaloves naman!" Oo mamaloves ang tawag ko sa ermat ko. Sagwa naman kung pati siya tatawagin kong babyloves. "Pass muna ako jan. Sakit pa ng ulo ko. Kapag nasira ang mukha ng gwapo mong anak, sige ka. Hindi ka makakahanap ng magandang daughter-in-law."

"Palusot mo laos na! Maligo ka na jan!"

"Tsk!" Tigas talaga nitong nanay ko. Pero wala akong magawa. Kapag nasa bahay kasi ako, delivery boy ako. May business kasi si mamaloves na bakery, at dahil mabenta ang mga pastries at ang mukha ko sa mga tao, ang dami naming customers.

After kong maligo, "Oh heto, bagong customer natin yan. Ito ang address!"

"Oh mamaloves, kulang 'tong pamasahe. Wala ba akong pan-tricycle? At tsaka pampalubag-loob?"

"Ang batugan mo talaga!  Sa East Villmore subdivision lang yan. Sakto na yan!"

"Kay ganda mong ina, ang kuripot mo. Sige na mamaloves, mapapagod ako." At dahil sa angkin kong sex appeal at charms, pati nanay ko hindi makakatiis! Tapos dumukot na siya sa wallet, langya naman! "Bente pesos lang!" 

"Sakto na pan-tricycle yan! Sige na lumarga ka na!" Kaso wala na yatang dadaig sa pagkakuripot ng ermats ko.

"Pasalamat ka mamaloves, mahal na mahal kita." Nasabi ko lang baka makunsensya siya at makalusot, pero matigas talaga eh. Hindi madaan sa lambing! "Sige na aalis na po ako!"

Dalawang boxes ang dala ko. Yung isa puro cupcakes yung laman, yung isa naman, brownies! Ang specialty ng mamaloves ko.

Pagdating ko sa address na hinahanap ko, nagdoorbell ako agad pero nakatatlo na akong pindot, wala pa ding lumalabas. "Tanggala naman! Kapag babae lumabas dito, hindi ko talaga papansinin!" Isa kasi yun sa dahilan kung bakit ako ang peyborit delivery boy ng lahat, kasi crush ako ng mga babaeng customers! Ampness, ang gwapo ko kasi!

Narinig ko nang may lumabas sa pinto kaso may kasigawan siya. "Hoy bumalik ka dito babae ka!!! Hindi pa tayo tapos!"

"Ayoko na! Hindi ko na kayang sumunod pa sayo!"

"Hoy tao po! May delivery po kayo!" Away mag-asawa talaga! Kunin niyo muna 'tong delivery niyo bago niyo ituloy yang away na yan!

My Nephew-in-Law [EDITING]Where stories live. Discover now