Pila

225 17 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


... sa bangko

"Number 62. Client number 62, counter 9. Number 62?"

Nakailang tawag na ang teller pero wala pa ding lumalapit. Tiningnan ni RJ ang papel na hawak niya. 63. Ibinaling nya ang tingin sa orasan. Malapit nang mag-cutoff ang pagtanggap sa mga cheke.

Walang 62 miss, 63 na tawagin mo.

Pinalipas pa ng teller ang isang minuto bago muling tumawag.

"Number 63."

Agad tumayo si RJ at lumapit sa teller.

"Miss for deposit, inter-branch."

"Sir pahingi po ng ID. Buti naka-abot kayo sa cut-off."

"Oo nga eh, buti wala yung 62."

"Miss, tinawag mo ba yung 62? Hindi ko kasi narinig eh."

Napalingon si RJ sa babaeng biglang sumulpot sa gilid niya, iniaabot ang papel na may nakasulat na 62. Gustong pagsungitan ni RJ ang babae na kanina pa tinatawag ang numero nito pero hindi nya magawa. Natigilan siya sa ganda ng mata nito ng binalingan siya ng tingin. Tingin na parang ito pa ang galit.

"Kasi naman hindi makapaghintay..."

Ikinagulat ni RJ ang halos pabulong na sinabi ng babae, na alam niyang siya ang pinariringgan. Nahalata siguro ng teller ang tensyon kung kaya't sinabihan siya nito.

"Ah, sir, saglit lang po ha, mabilis lang naman itong transaction ni Mam. Pahintay na lang po."

Namumula na si RJ sa inis pero dahil hindi naman siya pinalaking bastos ng mga magulang ay pinagparaya na lang niya. Tiningnan na siya ng diretsa ng babae. Hindi malaman ni RJ kung saan niya itutuon ang tingin, dahil bukod sa mata nito ay nakakabighani din ang mga labi nito. Napailing si RJ, pilit na ibinalik ang sarili sa wisyo.

"Ok lang miss, maghihintay ako. Basta pasok pa din sa cut-off ha."

"Huwag kayong mag-alala Sir, pasok pa po."

Inabot ng mga sampung minuto ang transaksyon ng babae, na pakiwari ni RJ ay medyo nahiya din naman sa inasal nito kanina. Pinagmasdan niya mula sa gilid ng mga mata niya ang babae, habang ang mga braso niya ay nakadantay sa counter. Hindi sinasadya ay nagkadikit ang kanilang mga braso, at may kung anong kuryente siyang naramdaman. Tila ganun din ang naramdaman ng babae dahil bigla itong napaiktad ng kaunti, at napansin niyang medyo bumuntung-hininga ito. Napatungo na lamang si RJ at lihim na napangiti. Gusto niyang kunin ang pangalan ng babae, iba ang pakiramdam niya. Iniipon pa lamang niya ang lakas ng loob ng biglang narinig na lamang niya itong magsalita.

"Boss, pasensya na ha. Ikaw na."

Nginitian siya ng babae at naglakad na papuntang pintuan. Hindi agad nakasagot si RJ sa pagkabigla.

attempts - AMACon 4 SerendipitousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon