Paliwanag

205 17 2
                                    

Pigil ang hiningang hinintay ni Maine si RJ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pigil ang hiningang hinintay ni Maine si RJ. Pinagmamasdan niya ang pagtawid nito, isang mala-adonis na sa kanya lang nakatuon ang mata, determinado ang kilos na siya ay malapitan. Ilang hakbang pa ay nagkaharap na sila ni RJ.

May kung ilang segundo din silang nagkatitigan muna. Ang mga mata ni RJ ay parang sinisisid ang ang mga mata ni Maine, hanggang sa nagbaba ito ng tingin sa mga labi nito, at napangiti. Napansin niya ang paglunok ng bahagya ni Maine.

Tumigil ka RJ, kung saan-saan dumadako ang mata mo, baka isipin ni Maine ang manyak mo.

Wari'y nagising si Maine mula sa kung anong salamanka na idinulot ng pagkakatitig sa kanya ni RJ. Iniabot niya ang kamay niya kay RJ.

"Hi, RJ."

Natawa si RJ sa ikinilos ni Maine pero inabot ang kamay nito at pormal na bumati din.

"Hi, Maine. Sa wakas."

"Oo nga, sa wakas."

Hindi binibitawan ni RJ ang kamay ni Maine, at pareho pa din silang nakatingin sa isa't-isa. Ilang segundo na naman ang lumipas na ganoon lang ang itsura nila habang nasa gilid ng kalsada.

Ang lambot ng kamay niya. Ayaw ko siyang bitawan, paano na ito?

Naramdaman na lang ni RJ na medyo hinigit ni Maine ang kamay niya.

"Ah, pwedeng bawiin muna ang kamay ko? At saka, di ba sabi mo ihahatid mo ako sa opisina? Medyo kailangan na nating maglakad kasi, baka nagwawala na yung ka-opisina ko."

Naalimpungatan si RJ sa pagkakasabi na iyon ni Maine, at bumitiw na sa pagkakahwak ng kamay nito. Napakamot siya sa ulo at sinabayan na si Maine sa paglalakad.

"Sorry. Ah, tara na. Hindi naman malayo dito ang opisina ninyo, di ba? Sa may Megastar lang, sabi mo?"

"Oo, ilang hakbang lang naman. Sigurado ka, ok lang na ihahatid mo pa ako? Nakakahiya naman. Baka kailangan mo na ding magpunta sa opisina ninyo."

"Ayos lang. Nakalaan naman talaga itong umaga para magkita tayo, di ba? Huwag ka na mag-alala."

"Hala, lalo naman akong nahiya, RJ. Ah, ganito na lang, kung ok lang sa iyo ha, pero ok lang din naman kung hindi, maiintindihan ko naman at saka siguro may iba pa namang pagkakataon pero maiintidihan ko din naman kung ayaw mo na, sabi mo nga may kaso kayong hinahawakan sa opisina tapos ako din naman baka mapagalitan na din ng boss ko..."

Hinawakan ni RJ ang mga kamay ulit ni Maine, at natatawang hinarap sa kanya ito. Nagulat si Maine, hindi niya napansin na dire-diretso na pala siya ng pagsasalita.

"Maine, kalma lang. Ang dami mo nang sinabi eh, medyo naiwan mo na ko kasi ang layo na ng sinabi mo."

"Ah, eh... sorry...ganun lang kasi ako...medyo kinabahan lang...ganun..."

Natawa na lang ulit si RJ kay Maine, at pinisil ang kamay ni Maine. Sa kung anong dahilan ay pumanatag ang loob ni Maine sa pagkakahawak ni RJ sa kanya. Tiningnan siya ni RJ.

attempts - AMACon 4 SerendipitousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon