Yakap

188 23 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kanina pa nalulukot ang mga papel na hawak ni RJ habang kausap si Maine sa kabilang linya. Gusto na nga niyang punitin ito sa inis dahil heto, sa halip na tagpuin niya ang babaeng ilang linggo na niyang hinahanapan ng pagkakataong makausap at makatagpo, nagpapaliwanag siya na hindi siya makakapunta sa takdang oras ng kanilang pagtatagpo dahil sa isang problema sa trabaho na hindi niya maiwan.

"Pasensya na talaga, Maine. Hindi ko lang talaga maiwanan itong trabaho sa harapan ko ngayon... ahh, I should explain ... may hinahawakan akong kaso ngayon na medyo kritikal kasi at hindi ko pwedeng ipasa lang sa isa ko pang ka-opisina....I'm really sorry...hindi ako yung tipo ng tao na umaatras sa usapan, sana maniwala ka Maine..."

Alam niyang dire-diretso na siya ng pagsasalita, pero gusto niyang ipaliwanag lahat kay Maine ang sitwasyon para hindi ito mag-isip na ayaw lang niyang makipagtagpo. Ang totoo ay gustung-gusto na niya itong makita ulit, lalo na at nakausap na niya ito at narinig ang kanyang boses.

Ang sarap pakinggan ng boses mo, Maine.

"I will make it up to you, Maine. Pangako yan."

Nilapitan si RJ ng ka-opisinang si Andrei, na napansing malapit nang mapunit ang mga hawak nitong dokumento. Pilit na hinahatak ni Andrei ang mga papel na hawak ni RJ upang hindi ito tuluyang mapunit at masira. Mga dokumento ito ng pagsasaliksik galing sa kanilang mga kasama sa Bicol, kung saan mayroon silang ini-imbestigang minahan. Nakipag-hilahan pa si RJ kay Andrei para sa papel.

"Bok, mapupunit na o...akina nga kasi..."

Pinandidilatan na ni Andrei si RJ para bitawan ang dokumento dahil mukhang seryoso ang pakikipag-usap nito sa telepono. Hinampas na lamang ni Andrei ang kamay ni RJ para lang bumitiw sa papel.

"Salamat sa pang-unawa Maine. I promise to make it up to you... in fact, uhm... ok lang ba sa 'yo if we have...uhm... breakfast bukas? Kung ok lang sa iyo ha.... I hope I'm not being too forward pero I really want to see you again."

Biglang nalaglag ni Andrei ang mga inagaw niyang mga papel, at tulalang napatingin kay RJ. Napatakip si RJ ng kamay sa kanyang mukha sa pagkakasabi niyang iyon kay Maine. Alam niyang may pagka-presko ang pagkakasabi niyang iyon pero iyon ang nararamdaman niya. Lubos ang kagustuhan niyang makitang muli si Maine at hindi na niya napigilan pa na sabihin ang nasasaloob niya.

HInintay ni RJ kung ano ang isasagot sa kanya ni Maine, bagama't kinakabahan na siya. Muli na naman niyang nilulukot ang isa pang dokumento na nasa harapan niya kung kaya't inagaw na naman sa kanya ni Andrei ang papel.

Malalim na buntung-hininga ang inilabas niya nang marinig ang pagpayag ni Maine sa alok niya na makipagkita kinbukasan ng umaga.

"Salamat Maine. I'll see you tomorrow. Sa coffeeshop na lang ulit, ayos lang? Ahh, eight ng umaga? Ok...thanks Maine. Sorry again. Bye. See you."

Pinatay ni RJ ang telepono at hindi niya mapigilan na mangiti.

Ang bait niya. Ang lambing ng boses. Naaalala ko sa kanya si...

"Bok! Huy!"

Ikinagulat ni RJ ang paghampas sa kanya ni Andrei.

"Bok naman, dahan-dahan naman sa paghampas!"

"Iyang ngiti mo kasi, kaunti na lang mapupunit na yang pisngi mo o! Abot tenga!"

"Tigilan mo nga ako. Tapusin na nga natin itong mga report nina Nina galing Bicol. Para di tayo gabihin masyado, may date pa ako bukas."

"Oo, narinig ko. Ayos ka bok, daig mo ang intsik, umaga ang date mo!"

//

Inabot ng hatinggabi ang paga-ayos nina RJ at Andrei sa mga ulat na galing sa Bicol tungkol sa minahan. Hindi na maganda ang nangyayari sa barangay kung saan nagmi-mina ang Adarsari Resources at kinakailangan na nila ng mas malakas na ebidensya laban sa kumpanya. Gustuhin man ni RJ na matapos agad ang trabaho ay hindi umubra na matapos nila ito sa loob lang ng isang gabi. Mukhang kinakailangan niyang magtungo pa ng Bicol para lang maisaayos ito at mangalap pa ng impormasyon.

Tuwing ginagabi siya ng uwi ay naaalala niya ang kanyang mama. Hindi ito natutulog hangga't hindi siya nakakauwi. Palagi itong nakabantay sa kanyang pag-uwi, sinisiguro na siya ay nakapasok na ng bahay at pinaghahain pa ng pagkain.

Isang taon na mula nang mamatay ang kanyang mama. Isang taon ng pangungulila, isang taon na isinasantabi niya ang pagiisip tungkol sa kanya. Subalit nang marinig niya ang boses ni Maine, may kung anong kurot itong idinulot sa kanyang puso.

Ka-boses ng mama niya si Maine. Isang malagom na boses, may halong paglalambing at marahan na pagsasalita. At hindi niya maiwasang maalala lalo ang kanyang mama.

Pagpasok niya ng kanyang inuupahang kuwarto ay inihagis lang niya ang kanyang bag at nagtanggal ng sapatos. Dumiretso na siya sa kanyang kama at pasubsob na humiga. Malapit na siyang makatulog nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Hudyat na may natanggap siya na isang mensahe. Ayaw na sana niyang tingnan ito dahil sa pagod pero sa kung anong dahilan ay may nagtulak sa kanya na tingnan ito.

Pagkakita niya kung kanino nanggaling ang mensahe ay wari'y napawi ang kanyang kapguran. Galing ang mesahe kay Maine.

Sending you hugs this late. Hope you rest well. See you tomorrow.

Nagising ang kanyang buong diwa pagkabasa sa mensahe na iyon na galing kay Maine. Magkahalong ngiti at kilig ang nararamdaman niya. At hindi niya maiwasang maalala ang kanyang mama. Palaging may yakap na salubong sa kanya ang ina kapag ganitong ginagabi siya ng pag-uwi. At sa isang pagyakap lamang ay napapawi na ang lahat ng pagod niya sa maghapong trabaho.

At para matanggap ang ganoong mensahe mula kay Maine, sa ganitong oras ng gabi, ay nagbigay sa kanya ng kakaibang ligaya sa kanyang puso. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Dulot ng pangungulila, dulot ng saya dahil wari'y may ibig ipabatid ang kanyang ina.

Ma, ito na ba ang sinasabi mo sa akin? Na kahit iwanan mo ako, may hahalili sa iyo?

Pinahid niya ang luha at sinagot si Maine.

Salamat, Maine. You have no idea how much your message meant. I'm hugging you back. Hanggang bukas.


  

attempts - AMACon 4 SerendipitousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon