Pagtatagpo

198 15 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sa may Megastar building yung office namin. I work at AdarSari Resources."

Pinipigilan ni Maine ang kamay ni Gab na pilit inaagaw ang kanyang telepono para pindutin ang speaker nito. Pinandilatan niya ito ng mata, at lumayo na sa kaibigan para mas makausap ng maayos si RJ.

"So, 5:00 pm, see you? Ok, bye RJ, it was nice to finally... ah... talk to you. Ok... bye."

Hindi mapigilan ni Maine ang ngiti habang pinatay ang telepono. Masaya siya dahil matapos ang ilang linggo na puro tinginan at ngitian lamang ay nakausap na din niya sa wakas si RJ. Naglalakbay na ang diwa niya sa kanilang pagkikita mamayang hapon nang biglang may pumitik sa kanyang tenga.

"Ay kamote! Aray naman Gab!"

"Ang ganda ng ngiti mo, girl!"

"Panira ka ng moment!"

"Hinila lang kita paibaba kasi lumilipad ka na sa kakiligan, girl. So anong oras natin i-meet yang si Tisloy?"

"Natin? Bakit, isasama ba kita?"

"Ah ganun? Girl, baka nakakalimutan mo ang dare ko sa yo, I need to see proof na ginawa mo nga ang dare."

"Gaga ka. Ngayon nga lang kami magkakaharap ng totohanan tapos papagawa mo pa talaga sa akin yung dare na yun."

Hinamon ni Gab si Maine na gawin ang sinabi nitong maglalambitin siya sa braso ni RJ.

"Sige na girl, isama mo na ako. Kahit hindi ako lalapit sa inyo, I'll just watch from afar, nasa kabilang table lang ako. Malay mo, kailanganin mo ng rescue at baka bastos naman pala iyang si Tisloy."

"RJ nga kasi ang pangalan niya, huwag mo na ipilit yang Tisloy na ipinapangalan mo sa kanya. Sa pagkakadinig ko sa boses niya kanina, I think naman siya masamang tao. Boses pa lang ang guwapo na eh."

Naglalaro sa utak ni Maine ang itsura ni RJ habang kausap niya ito - ang mga mata niya na maamo pero parang may malalim na lihim, ang biloy niya sa pisngi na lumalalim kapag napapangiti, ang tenga nya na parang ang sarap kagatin dahil mamula-mula ito, at ang mga braso nya na parang ang sarap paglambitinan.

PAK!

Napatili si Maine sa biglang pagpalakpak ni Gab ng malakas sa tapat ng mukha niya.

"Hoy, girl, tigilan mo na ang pagde-daydream. Alas-kuwatro na o. Anong oras ba ang usapan ninyo? Hindi pa tapos yang report na pinapagawa sa yo ni Madam Martha."

"Uhm...pwede pa naman ito bukas. Kelangan ko na pala mag-ayos. Baka mahuli pa ko sa usapan namin."

"Girl, mga sampung hakbang lang mula sa building natin yung coffeeshop. Huwag ka naman masyadong magpa-halata na gustung-gusto mo siya makita. Konting pino naman."

"Tapos dine-dare mo akong maglambitin sa biceps niya? Labo mo Gab ha..."

//

Labinlimang minuto bago mag-alas-singko ay nasa labas na ng gusali sina Maine at Gab. May kung anong kaba ang nararamdaman ni Maine habang naglalakad sila papunta sa kapihan. Hindi niya malaman kung dahil ba ngayon lang niya ito gagawin, ang pakikipagtagpo sa isang lalaking bago lamang niya nakilala, o dahil hindi niya alam ang kalalabasan ng pakikipag-tagpo niyang ito. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa langit. Si Gab na kanina pa dumadaldal ay dire-diretso sa paglalakad nang mapansing nakatayo lamang si Maine at nakatingin sa langit, at naka-angat ang magkabilang braso.

attempts - AMACon 4 SerendipitousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon