Determinasyon

218 14 1
                                    

na makita ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

...na makita ka

Nakailang-ulit nang tinatawagan ni RJ ang numerong ibinigay sa kanya ni Miss Maine, pero hindi pa din pumapasok ang tawag niya. Mali daw ang numerong ginamit, o hindi nakabukas ang telepono, o di kaya ay ibang tao ang sumasagot. Kahit na ipagtanong niya sa nakasagot sa ibang linya ay wala naman daw 'Maine' na kakilala ito. Minsan ay nagalit sa kanya ang nakausap dahil naka-limang beses siya ng tawag at nagpumilit na hinahanap si Maine. Makulit na kung sa makulit, pero ayaw niyang tigilan ang pagtawag, dahil baka nga biglang si Maine na ang sumagot.

Hindi niya alam kung ano ang tunog ng boses nito, pero pakiwari niya ay malalaman niya agad na si Maine na ang kausap niya basta marinig niya ito. Hindi niya maipaliwanag, pero ganoon kalakas ang pakiramdam niya para sa babaeng ito na sa pila lang naman niya nasilayan.

Ilang beses din siyang nagpa-balik-balik sa kapihan. Inisip niyang dito naman sila muling nagkita, baka matiyempuhan niya ulit. At kung magkataon na magkita sila ulit, hinding-hindi na niya papalampasin ang pagkakataon. Kakausapin na niya talaga ito.

May kung anong laro o pagbibiro sigurong binabalak para sa kanila ang tadhana, dahil ni minsan sa loob ng isang linggo na pabalik-balik siya sa kapihan ay hindi sila nagkita ni Maine. Tinatanong na din niya ng ilang beses ang babae na kumukuha ng order niya kung napapadaan ba doon si Maine, pero dahil papalit-palit naman ang mga empleyado sa kapihan ay walang makapagbigay sa kanya ng positibong sagot.

Hanggang sa maisipan niyang mag-iwan ng mensahe para kay Maine.

Ang talino mo, RJ, dapat dati mo na ginawa ito! Sayang na naman yung mga araw na pinalampas mo!

Sa isang tissue na lamang niya naisulat ang mensahe para kay Maine, at ibinilin ng mabuti sa babaeng kumuha ng order niya noong araw na iyon na ibigay lamang sa babaeng nagngangalang 'Maine'.

"Ah, sir, papaano po kung hindi dumating? Baka po mapunit na itong tissue na sinulatan ninyo?"

"Babalik ako bukas at gagawa ako ng bagong sulat."

Natawa na lang ang babae. Nagtagal pa siya ng ilang minuto sa kapihan, naghintay ng ilang sandali, bago tuluyang umalis para bumalik sa opisina.


...na makausap ka

Natambakan na naman siya ng mga dokumento na kailangang araling muli para sa isang kaso ng ilegal na minahan sa Bicol. Hindi niya maintindihan kung bakit may mga kumpanya pa ding nagpupumilit na mag-mina sa lugar na iyon, bagama't ilang beses na itong pinagbawalan at sinampahan ng kaso. Pero naiintindihan niya ang kalagayan ng komunidad, ng mga taga-barangay na nakatira sa lugar na iyon. Malaking pera ang ipinangako ng kumpanya, dagdag pa ang trabaho para sa mga kalalakihan, pati na ang pagpapa-aral sa mga anak nila. Pero hindi lubusang ipinaliwanag sa kanila kung gaano ka-delikado ang pamamaraan ng pagmimina na ginagawa ng kumpanya. Hindi din tunay na nakikinabang ang mga taga-roon dahil inilalabas ng kumpanya ang mga kanilang mga namina, at ito ay hinahayaan lang ng lokal na pamahalaan.

attempts - AMACon 4 SerendipitousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon