Stairs

1.7K 34 2
                                    

"Ara! Gising na dyan! Malelate ka na!"

Napabangon agad si Ara sa kama nya at pumasok ng banyo.

She overslept again.

It took her about 5 minutes to get ready. 3 minutes na pagligo ang ginawa ni Ara.

"Motherf, alis na po ako. Malelate na ako eh."

"Di ka na ba mag aalmusal?"

"Di na po. Sige po." Pag papaalam ni Ara.

Pag kalabas ng dorm, agad nyang tinawagan si Kim Fajardo.

"Kim, andyan na ba yung prof?"

"Wala pa. Kaya bilisan mo na!"

"Okay. Thanks. Tumatakbo na ako."

Pinatay na ni Ara yung phone nya at tumakbo na papuntang Andrew Building.

Pagkapasok nya, agad syang nainis kasi hindi gumagana yung elevator kaya kailangan nyang mag hagdan papuntang 5th floor.

Pumasok na sya sa may room kung saan nandun yung hagdan nang...

"Wag! Maawa ka sakin." sigaw nung isang lalaki.

*bang* *bang*

Nagulat si Ara ng makita nyang nakadapa na yung lalaki habang may umaagos na dugo galing sa katawan nya.

Lumapit sakanya yung isang lalaking may hawak ng baril.

"Wala kang pagsasabihan nito, kundi ikaw ang isusunod ko." Sabi nito at lumabas na.

Tumakbo agad si Ara palayo at pumunta na sa classroom nya.

***

Hindi parin mapakali si Ara dahil sa nangyari. Napagalitan sya ng prof nya for being late pero parang wala na syang pakialam dahil sa mga nakita nya.

Hindi alam ni Ara kung anong gagawin nya. Natatakot sya.

"Huy, okay ka lang? Namumutla ka." Sabi ni Kim.

"Ha? Oo. Okay lang ako." Sabi ni Ara at ngumiti ng matipid.

Nagulat silang lahat ng biglang may pumasok na pulis sa classroom.

"Kailangan na pong umalis ng mga studyante." Sabi ng pulis.

"Bakit? Anong nangyayari?" Tanong nung Prof nila.

"We will explain later. Right now, you have to vacate the classroom. Dun kayo sa labas ng building mag stay."

Nag sitayuan na silang lahat at nag ayos ng mga gamit.

Nag lakad na sila Ara palabas ng marinig nya yung bulong nung pulis sa prof nila.

"May nakitang patay sa may staircase. Binaril."

Agad na namutla at nanigas si Ara sa narinig nya.

***

"Grabe talaga noh? Pati sa school may pumapatay na. Delikado na talaga kahit saan." Sabi ni Aby Maraño.

Nasa dorm na silang lahat kasi pinauwi na sila. There won't be classes for the whole week.

Secret Love StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz