After All pt. 3

815 36 7
                                    

Year 2024

Isang buwan na ang nakalipas mula nang ikasal kami ni Thomas. Ang araw na yun ay ang pinaka masayang araw na naranasan ko.

Sobrang saya naming lahat at ramdam na ramdam ko yung pagmamahal hindi lang galing kay Thomas, kundi pati na din sa pamilya't mga kaibigan namin.

Nandito kami ngayon ni Thomas sa bahay namin. Nanonood siya ng NBA habang ako naman ay nakasiksik sakanya.

These past few days, gusto konh nakasiksik lang ako kay Thomas. Gusto ko palaging naaamoy siya at nakikita.

Bigla naman akong nakaramdam. Tumakbo ako papuntang banyo at nasuka.

"Love?" tanong ni Thomas. Halata ang pagaalala sa boses niya.

Tatayo na sana ako nang masuka ulit ako.

"Love..."

Nang matapos ako. Naghilamos ako at nagmumog. Humarap ako kay Thomas at ngumiti.

"Love, I think I'm pregnant."

**************

Tama nga ang hinala ko at buntis ako. Nag take ako ng tatlong pregnancy test para icheck at positive silang lahat.

Papunta kami ngayon ni Thomas sa OB ng Mama ni Thomas. Wala pang nakakaalam na buntis ako maliban saaming dalawa ni Thomas.

3 weeks akong pregnant. Sabi ng doctor sakin na magstart na ako na kumain ng mga healthy. Mag exercise din daw ako. Wala namang problema sakin yun dahil athlete ako.

"Kelan natin balak na sabihin?" tanong ko.

"Balak ko sanang ipaalam pag malalaman na natin gender niya." sagot ni Thomas.

"That would be great! pero paano natin itatago natin? Lalo na't madalas na bumibisita sila Mika sa bahay."

"Bahala nalang si Batman."

*************

Lumipas ang mahigit limang buwan at pasalamat kami ni Thomas dahil hindi ganun kalaki ang tyan ko. Siguro mapapansin na malaki tyan ko pero mapapaisip ka na tumataba lang ako.

Buwan na para malaman kung ano ang gender ng baby namin ni Thomas. Sinabi namin kay doktora na wag ipaalam samin. Kaya ang ginawa namin ay tumawag kami ng event organiser at siya ang pinakausap namin kay doktora.

After nilang mag usap, sinabihan lang kami ng organiser na sila na bahala. Nginitian nalang namin siya ni Thomas at nagpasalamat.

Pagkauwi namin, tinext namin lahat ng kaibigan at pamilya namin.

Hindi namin sinabi na gender reveal party ang magaganap. Sabi lang namin ay konting get together lang dahil namiss namin sila.

****************

6:30pm nang dumating ang mga bisita. Lahat ng teammates namin nila Thomas ay dumating. Pati nadin yung mga coaches namin.

Dumating din syempre ang mga pamilya namin.

Buti nalang at malaki ang bahay namin at kumasya lahat ng bisita.

"Girl, bakit blue and pink yung kulay ng decorations. Ang chaka!" sabi ni Mika.

"Ikaw talaga! Inimbitahan ka na nga, nag rereklamo ka pa sa mga decorations." sabi ko at hinampas siya.

"Para kasing pang gender reveal. Di ka naman buntis." sabi niya. Lumaki yung mga mata ko at napatingin kay Thomas. Natawa nalang si Thomas.

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now