Wings Tour

1.4K 44 9
                                    

(This is F I C T I O N. Di totoo ang mga susunod na babasahin nyo.)

*****

Ara's POV

"BTS will have their concert at the MOA Arena on May 6 and 7, 2017."

Yan ang unang una kong nabasa pag kagising ko.

Bigla akong nabuhayan ng diwa pagkabasa ko nyan. Finally!!! Makikita ko na si Taehyung my love. 😍

"Ate! Baba na daw. Kakain na." Sigaw ng kapatid ko.

"Teka lang!"

"Ano nanaman ba yan kasi?!" Nagulat nalang ako ng nasa likod ko na yung kapatid ko.

"BTS nanaman? Jusko! You're 25 years old na oh, adik ka parin dyan."

"Hoy Ricci Paolo!! Walang pinipiling edad para maging fan ng BTS. And sila ang insprisyon ko kaya wala akong nakikitang dahilan para tumigil sa pag sstan sakanila." Sabi ko at inirapan sya.

"Childish! Hay nako! Bahala ka na nga dyan. Bumaba ka na at kakain na daw." Sabi ni Ricci at bumaba na.

Kinuha ko nalang yung malaking litrato ni Taehyung at hinalikan ito at bumaba na.

*****

"Oh, narinig ko nanaman kayong nag aaway kanina." Sabi ni mama.

"Si Ricci kasi! Pinapakelam nanaman ako."

"Eh baliw ka nanaman kasi sa BTS na yan eh. Lalo na dun sa
TA-Ehyung na yun."

"HOY!! YOU PRONOUNCE IT AS 'TEHYUHNG'!! BINABABOY MO PANGALAN NG ASAWA KO!"

"Whatever! Bakla parin yang Taehyung mo. Baliw!" Asar ni Ricci at tumawa.

"Ricci, tigilan mo na yang ate mo! Ikaw nga baliw na baliw ka sa kabatch mong si Michelle Cobb eh. Kinakausap mo palagi yung picture nya bago matulog." Sabi ni Mama.

Napatulala naman si Ricci sa sinabi ni mama at ako naman ay tawa ng tawa lang.

"HAHAHAHAHA!! Sino saatin ang baliw?? HAHAHAHA." Asar ko sakanya.

"Che!" Sabi ni Ricci at kumain na lang.

Pag katapos tumawa at kumain, dumiresto na ako sa living room.

Tumabi naman si mama sakin.

"Nga pala Ma, gusto ko po sana manood ng concert ng BTS. Pwede po ba?"

"Oo naman. Ikaw naman gagastos eh. Hahaha." Sabi ni mama at tumawa.

"Edi wow ma."

"Sino kasama mo?" Tanong ni mama.

"Di ko po alam eh. Tatanongin ko pa sila Mika."

*****

Pag akyat ko ng kwarto ko, agad kong tinawagan si Mika.

"Girl!!!"

(Oh?)

"May concert ang BTS dito!!!"

(Really? Edi manonood ka nyan?)

"Oo naman! I can't miss my babies' concert."

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now