Unexpected Ride

1.3K 35 2
                                    

Ara's POV

"Bye Ara! See you tomorrow." Paalam sakin ng kaoffice mate ko.

Late nanaman ako makakauwi dahil ang dami ko pang di natatapos na mga reports.

Since ako nalang ang natitira sa office, binuksan ko nalang yung speaker ko at nag patugtog habang nag tatrabaho.

"We don't talk anymore. We don't talk anymore. We don't talk anymore like we used to do~" Pag sabay ko sa kanta. (A/N: You can listen to the song above.)


xxx


1 am na nang makauwi ako. Sa sobrang pagod at antok ko, napaupo nalang ako sa sahig ng elevator at napapikit pag pasok na pag pasok ko

Di ko na nga namalayan yung pumasok pa na isa.

Nagising ako nang biglang umalog yung elevator.

"Ay puta!" Sigaw ko nang biglang namatay yung ilaw.

Mukhang nasira yung elevator.

Kinuha ko yung cellphone ko at binuksan yung flashlight nito.

"Miss, are you okay?"

Nagulat naman ako ng may nag tanong.

"Okay naman po." Sagot ko nalang.

"Can I sit beside you? I'm kinda scared when it's dark." Sabi nya.

Pumayag na ako dahil naiintindihan ko naman sya.

Laking gulat ko naman na si Thomas Torres pala yung kasama ko dito sa elevator. THOMAS TORRES!

Isang superrrrrr sikat na basketball player na iniidolo ko. Matagal na akong fan nya. UAAP days nya palang.

Bumili ako ng mga merch nya, sumama ako sa mga get togethers nya, makikipag siksikan ako para lang makita sya. Lahat yun ginawa ko!

I almost forgot, ex ko din pala sya.

"Miss? Hello?" Nabalik ako sa realidad nang magsalita sya.

"Ha? Ah sorry. Ano yun?"

"Nothing. You were spacing out kasi eh."

"Ah sorry. May naaalala kasi ako eh."

"I see... Anyway, may I know your name?"

"Ara."

"Ara? Kaname mo yung ex ko." Sabi nya at natawa.

Yung totoo?!? Masyado ba akong maitim at di nya ako makilala sa dilim?!

"Ah ganun ba?"

"Yup. Alam mo ba, sobrang unexpected nung story namin."

"Talaga? Paano mo naman nasabi yun?"

"Bago sya maging girlfriend ko, she was my fangirl first. Palagi syang nag papapansin, in a good way, and nag eeffort. Palagi ko nga syang nakikita sa mga games ko."

"Games? Athlete ka?" Tanong ko. I'll just go with the flow nalang.

"Yup! I play basketball."

"Wow! Daebak! I mean, cool."

"As I was saying, palagi ko syang nakikita sa games ko. Minsan, pag di sya makapunta, may ipapaabot sya na letter na nag sasabi ng rason nya kung bakit wala sya sa game na yun. It was so cute and I really appreciate it. I really want to meet her that time. Tapos after nun, I had a get together party with my fans and she was there, so I talked to her and thanked her. Hanggang sa dun na nag simula. We got closer hanggang sa we got together."

"Sobrang swerte mo pala sakanya noh?"

"Oo nga eh... kaso sinayang ko. Sinayang ko lahat ng pagmamahal na ibinigay nya sakin. I didn't love her as much as she loved me. She was my happy pill, pero I made myself her sad pill. Her painful pill. All she did was make me happy, pero ito lang ang gagawin ko sakanya. Ginago ko sya. Sinaktan ko sya. Sinayang ko yung pinakamamahal ko. Nagsisisi parin ako dahil ginago ko sya. I miss her so much and gusto ko syang balikan." 

"Pano kung masaya na pala sya? Na masaya na sya sa piling ng iba?"

"Masakit pero kailangan kong tanggapin. It's my fault why she's my ex right now. That's why I have to accept the fact na she's happy in someone else's arms." 

"Okay lang yan. Someday, makakalimutan mo din sya. Don't blame yourself. Di lang naman ikaw ang may kasalanan. Di lang naman ikaw ang nag kulang. Okay lang yan. Magiging masaya ka din."

"Ara..."

Nagulat naman ako nang sabihin nya ang pangalan ko at hawakan ang kamay ko.

"I'm sorry... sana patawarin mo ako." Sabi nya at naramdaman kong tumulo yung luha nya sa kamay ko.

"Thomas, matagal na kitang napatawad. Alam kong nagsisisi ka, pero sana wag mong sisihin lang ang sarili mo. Nag kulang din ako. Alam kong busy ka nun pero I demanded for your attention. I was too clingy. I'm sorry."

"Wala yun, Ara. Wala yun..." sabi nya at hinalikan yung kamay ko.

"Sana maging masaya ka na, Thomas. Dahil ako, masaya na ako. Masaya na ako sa piling ng iba. Sana maging masaya ka na."

"Ara..."

Gumana na yung elevator kaya tumayo na ako at nag ayos ng sarili. Pinunasan ko yung mga luha ko at yumuko nalang.

Ganun din ang ginawa si Thomas.

Pagkarating sa floor ko, lumabas na ako.

Bago ako umalis, humarap ako kay Thomas.

"Be happy, Thomas." Sabi ko at ngumiti. Sumara na yung elevator at napabuntong hininga nalang ako.


xxx


Napagising ako dahil sa pag preno ni Mika.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko.

"Girl, nag ka amnesia lang? Pupunta tayo ng Araneta ngayon at susuportahan natin, as usual, si fafa Thomas mo."

Huh??? Hindi ba nasa condo ako kanina??

"Fafa Thomas? Boyfriend ko ba sya?"

"In your dreams! May girlfriend kaya yun, diba si Arra San Agustin? Nakalimutan mo na ba?"

"Wait! Ilang taon na ba ako?"

"Hoy Ara! Naka droga ka ba?"

"Sagutin mo nalang please."

"You're 25. Nag tatrabaho ka sa company ng tito mo. NBSB ka. 8 years ka ng fan ni idol mong si Thomas Torres."

"So.... it was all a dream?"

"Yung ano?"

"Ah, wala."

"Baliw ampota."

I guess, I'll always be his fan, but never his girl.



Secret Love StoryWhere stories live. Discover now