Crush(ed)

994 31 11
                                    

Ako si Ara Galang. 27 years old. Hindi ako maganda, hindi ako matalino, hindi ako magaling kumanta at sumayaw, kaya ito nalang. Magaling ako mag volleyball.

Ako yung taong onti lang ang kaibigan. Hindi ko kasi hilig yung nag sisimula ng usapan. Dahil dyan, wala akong mahanap hanap na jowa kaya nagustuhan ko yung kaibigan ko.

Si Thomas Torres. Sya yung kaibigan na tinutukoy ko. More than 5 years ko na syang gusto at hindi nya alam yun. Tropa tropa lang kasi kami eh. Which is mahirap.

Sya kasi yung tipo na kaibigan na mahilig sa skinship. Skinship katulad ng holding hands, hugs, akbay etc. Mahilig nyang gawin sakin yun.

*

*

*

MALL

Ara's POV

Thomas: So? Saan tayo?

Ara: Hmm... nood muna tayo ng sine.

Thomas: Sige. Manood tayo ng nakakatakot.

Ara: Ano baaaa?!!! Alam mo namang takot ako eh.

Thomas: Okay lang yan. Andito naman ako sa tabi mo eh.

Okay shet Ara. Wag kang kiligin. WAG

Ara: Che! Sige na nga.

Thomas: Oh tara. *akbay*

Oh my gosh. Naka akbay sya sakin.

Ara: Umm.. bakit ka naka akbay?

Thomas: Bakit? Masama bang umakbay sa kaibigan?.

Kaibigan nga naman kasi Ara! Hay nako!!!

Ara: Hindi! Tsk *rolls eyes* tara na nga!

*

*

*

Wag na kayo maawa sakin. Sanay na sanay na ako sa kaibigan kong yun.

Sanay na ako sa mga banat nyang nagpapahulog sakin pero in the end, sasaktan lang pala ako.

Pero kahit ganun sya, gustong gusto ko parin sya. Mas lalo lang ako nahuhulog sakanya.

Nag tagal syang naging ganun sakin, hanggang sa nagkaroon sya ng girlfriend, na best friend ko. Masaya talaga ako guys!

Ang tanga tanga ko din kasi ako yung naging tulay para mag katuluyan sila.

Wala akong magawa eh. Humingi ng tulong si Thomas. Hindi ko naman matitiis yung kumag na yun kahit sobrang sakit na.

*

*

*

Ara's POV

Ara: Thomas! Huy! Akala ko ba aamin ka na?

Thomas: Teka! Kinakabahan ako eh.

Ara: Jusko naman! Sasabihin mo lang naman 'I like you'. Mahirap bang sabihin yun?

Thomas: I like you

Nagulat ako dahil sinabi yun ni Thomas nang nakatingin sakin.

Ara: Ha?

Thomas: Okay na ako. Kaya ko nang sabihin. Thanks Ara!

Ara: Ahh... you're welcome! Hehe

Naglakad na si Thomas papunta sa best friend ko. Tumayo ako sa likod nila. Kitang kita ko yung saya nila.

Secret Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora