Father

1.5K 37 8
                                    

Nagising si Ara ng maaga dahil special ang araw na ito.

It's Father's Day

Inayos na muna ni Ara ang kwarto nya bago pumunta sa kwarto ng pinakamamahal nya.

Binuksan ni Ara ang pintuan ng kwarto at nag dahan dahan na pumasok.

Napangiti naman si Ara nang makita nya ang pinakamamahal nya na mahimbing na natutulog. Naka nga nga pa.

Lumapit si Ara at umupo sa kama.

"Baby... gising na. Today's a very special day." Sabi ni Ara habang hinahagod ang buhok nya.

"Later na po.." Sabi nya at nag taklob ng kumot.

"Bahala ka. Di kita bibilhan ng favorite mong food later."

"Mommy naman eh." Biglang sabi ng anak ni Ara.

"Basta pagkain talaga noh? Bakit ba kasi nag mana ka sa ninang Mika mo?" Sabi ni Ara habang natatawa.

"Ah basta. Mommy ah, promise mo sakin na bibilhan mo ako ng favorite food ko later ah."

"Okay. Kaya maligo ka na at mag ayos. Marami pa tayong pupuntahan!"

"Okay mommy!" Tumayo na si Christian at lumakad papuntang banyo pero pinigilan sya ng mommy nya.

"Chris, you forgot something." Sabi ni Ara at nag pout pa.

"Sorry mommy." Lumapit si Christian kay Ara hinalikan ito.

"I love you, Chris. Sige na, maligo ka na. I'll prepare breakfast lang."

"Sige po, mommy. I love you too!" Sabi ni Chris at pumasok na ng banyo.

Inayos na muna ni Ara yung susuotin ni Chris bago bumaba.

~~~

After nilang kumain at mag ayos, namasyal na ang mag mommy sa mall.

"Mommy, ano pong gagawin natin dito?" Tanong ni Chris.

"Mamamasyal. Do you want toys?"

"Wag na po mommy, okay na po ako sa mga toys ko sa bahay. Di pa naman po sira eh."

Natuwa si Ara dahil napalaki nila ng kanyang asawa ang anak nila ng mabuti.

"You're such a good boy, baby. But, I'll buy you what you want today." Sabi ni Ara at hinug yung anak nya.

Pumayag si Chris kaya dumaretso sila sa Toy Kingdom.

"Yun nalang po, mommy." Sabi ni Chris habang tinuturo yung ring na pang basketball.

'Manang mana ka talaga sa Daddy mo.' Inisip ni Ara.

After nila sa Toy Kingdom, pumunta naman sila sa department store.

"Tara mommy, bili naman tayo ng para sayo." Sabi ni Chris habang hinihila yung mommy nya.

"Anak, slow down. Baka madapa tayo."

Dinala sya ni Chris sa clothes section. Puro pang couples yung mga nandito.

"Mommy, bili ka po nung green oh." Sabi ni Chris habang tinuturo yung dalawang green na shirt na may naka sulat na 'volleyball player' at sa likod nito ay 'mommy' and 'basketball player' at sa likod nito ay 'daddy'.

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now