Palihim Kang Mamahalin

1.5K 35 3
                                    

This is similar to 'The Truth' pero this is third person. :)

***

Sa isang prestihiyosong paaralan, may isang sikat na volleyball player, nangangalang Victonara Salas Galang o mas kilalang Ara.

Nag lalaro sya ng volleyball para irepresent ang kanyang paaralan, ang De La Salle University.

Kilala sya ng maraming tao dahil magaling ito mag laro. Naging rookie of the year din ito sa season 74 ng UAAP.

Maraming fans ang humahanga sa kanya, pati na din yung ibang players, hinahangaan sya. Katulad nalang ni Thomas Torres.

Si Thomas Torres ay isa ding athlete sa DLSU. Basketball naman ang nilalaro nito.

Idol ni Thomas si Ara dahil sa kanyang galing at kasalukuyang secret crush din pala ito ni Ara.

Palaging tinitweet ni Ara si Thomas pero hindi sya pinapansinin nito. Dahil dito, nalungkot si Ara at tinigilan nalang ang pag ttweet kay Thomas, hanggang sa dumating yung araw ng game nila laban sa ADMU.

Kasalukuyang nag lalaro sila Ara ng makarinig sya ng sigaw sa mga fans. Tumingin sya sa screen at doon nya nakita si Thomas na iniinterview ng court side reporter ng La Salle.

Namula si Ara nun at hindi naman mag papahuli yung mga teammates nya na tuksuhin sya.

***

Nanalo ang DLSU laban sa ADMU. Sobrang saya nilang lahat, lalo na si Ara dahil nanalo na nga sila, nanood pa yung crush nya.

Nang makapasok sila ng dugout. Agad syang tinawag ni Mika Reyes, teammate ni Ara, para ipakita yung nasa phone nya.

"ThomAra?" Tanong ni Ara kay Mika.

"Ship nyo ni Thomas. Ayiiee." Panunukso ni Mika.

"Kelan pa yan?"

"Kanina lang nag trend eh. Yung interview kasi ni Thomas."

"Anong meron sa interview?"

"Idol nya daw si Aruh Guhlung." Natatawang sabi ni Mika at iniwan na si Ara.

Kinilig si Ara sa narinig nya kaya hindi nasa makapag intay na panoorin yung interview.

Nang mag simula na syang mag lakad, bigla nya naman nakita si Thomas. Mag kasalubong sila. Nilapitan ito ni Thomas at nginitian.

"Ara, congrats nga pala."  Bati ni Thomas.

"Thank you, Thomas." Sagot ni Ara at ngumiti.

"Ara, pwede ba kitang mayayang mag dinner?"

"Umm.. sige. Mag papaalam lang ako kay Coach Ramil."

***

Pagkatapos nung araw na yun, mas naging close sila Thomas at Ara pero hindi sila masyadong nag sasama sa labas dahil alam nilang maraming shippers ang naka bantay sakanila.

Sa pagiging close nila, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ni Ara para kay Thomas at hindi alam ni Ara, na ganun na din pala ang nararamdaman ni Thomas.

Isang araw, umamin si Thomas kay Ara at ganun din si Ara pero nag karoon sila ng kasunduan na wala munang commitment kasi focus sila sa pag aaral nila at sa sports nila.

Parehas silang pumayag sa desisyon na yun dahil ayos din naman sakanila ang 'more that friends, less than lovers.'

***

Pauwi na si Ara galing DLSU nang tawagan sya ni Thomas. Sabi ni Thomas, "pwede ba tayong mag usap?"

Pumayag naman si Ara kahit sobrang pagod na sya kasi namiss nya din si Thomas at gusto nyang makita ito.

Nang makarating ito sa lugar, nakita nya si Thomas na nakaupo at parang malungkot. Agad nya itong nilapitan at tinanong.

"Thomas, okay ka lang?"

"Ara, andito ka na pala?"

Nag katinginan silang dalawa. Nakita ni Ara yung lungkot sa mga mata ni Thomas at nakita ni Thomas yung pag alala sa mga mata ni Ara.

Pinaupo ni Thomas si Ara at hinawakan ito sa kamay.

"Thomas, may problema ba?" Pag aalalang tanong ni Ara.

"Ara.. alam mo namang mahal kita, diba?" Tanong ni Thomas. Nag taka naman si Ara.

"Bakit, Thomas?"

"Ara, I'm sorry. Mahal kita pero.."

"Pero may mas mahal kang iba? Yun ba Thomas?" Pagputol ni Ara kay Thomas.

"Ara, I'm sorry. I'm really sorry." Sabi ni Thomas at niyakap si Ara.

"Sana maging masaya kayo." Sabi ni Ara at umalis na.

Pag dating ng dorm, doon na nya binuhos yung kanina nya pang pinipigilan na mga luha.

Nagulat sila Mika dito. Masaya si Ara nung umalis kaya nagulat sila nung nakitang umiiyak toh paguwi.

Kwinento ni Ara ang lahat ng nangyari. Nadismaya yung iba dito dahil pinagkatiwalaan nila si Thomas tapos ito lang ang gagawin kay Ara.

***

Pagkatapos ng ilang buan, nabalitaan nalang nila na may girlfriend na si Thomas na artista. Si Arra San Agustin.

Nakakatawa at nakakainis dahil bakit kailangan kapangalan pa ni Ara at kung babae na may pangalan na 'Ara/Arra' ang hanap nya, bakit hindi pa si Ara Galang?

Dahil sa sobrang inis at sakit na nararamdaman ni Ara, nag bago sya ng pagkatao.

Nag pakalalaki sya. Nag susuot sya ng mga damit pang lalaki at nag karoon din sya ng girlfriend, si Bang Pineda ng Adamson women's volleyball team.

Nalaman ito ni Thomas at kahit may iba na syang mahal, nasaktan parin sya sa nangyari. Feeling nya na sya ang dahilan kung bakit ginawa ito ni Ara sa sarili nya.

***

Pagkatapos ng mahigit tatlong taon ng relasyon, nag break din sila Thomas at Arra. Mutual na desisyon ito dahil kailangan nilang mag focus sa career nila.

Pero hindi lang yun ang dahilan ni Thomas. Hindi parin talaga mawawala si Ara Galang sa puso nya. Mahal nya parin talaga si Ara.

Naging malungkot si Thomas ng ilang linggo dahil yung dalawang 'Ara/Arra' nya, nawala na sakanya.

Minsan napapaisip din si Thomas na siguro kung hindi nya pinakawalan si Ara, masaya na sila ngayon.

***

Habang nalulungkot si Thomas, si Ara naman ay masaya kasama si Bang. Pinasaya sya ni Bang nung nalulungkot sya pag naaalala nya yung ginawa ni Thomas.

Pero nalungkot agad sya ng mabalitaan nyang nag break na si Thomas at yung girlfriend nya.

***

Tumagal ng ilang buwan at napag desisyon ni Thomas na bawiin si Ara. Mahal nya pa si Ara at gusto nyang mapasakanya ito ulit.

Kaya tuwing may training sila Ara, pupunta sya ng gym para kahit papano ay mapapanood nya sila Ara.

Minsan, manonood sya ng patago ng mga games ni Ara. Alam nya pa kasing galit ito sakanya at may mga shippers parin sila kahit may girlfriend na si Ara.

Sa last year ni Ara sa UAAP, isang beses lang sya nanood ng live at pinilit pa sya ng kapatid nya.

Nagalit nga yung girlfriend ni Ara sakanya kasi sabi daw nagugulo daw yung relasyon nila Ara at Bang dahil sakanya at sa mga shippers ng ThomAra.

Kaya hanggang ngayon, palihim nalang sinusuportahan ni Thomas si Ara. Palihim nya nalang mamahalin si Ara.

Mag iintay nalang sya ng tamang panahon dahil naniniwala syang magiging totoo din ang ThomAra.

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now