Back To The Start

1.4K 52 7
                                    

Part 3!!! Last part na ito guys! 😂

~~~~~~~

Isang linggo na ang nakakalipas nung reunion nila pero di parin mawala sa isip ni Thomas yung narinig nya.

"Yes, babe."

"Sobrang swerte naman nung lalaking yun. Sana hindi ko nalang sinaktan si Ara." Ang palaging iniisip ni Thomas.

Maagang nasa Starbucks ngayon si Thomas na magisa. Nag tatrabaho kasi sya para sa business nga ng kanyang mama.

Pumunta sa counter si Thomas para bumili ng pastry pero napigilan sya ng pumasok ang isang familiar na tao sa Starbucks.

Si Ara...

Sobrang iba ang itsura ni Ara ngayon. Naka crop top at shorts ito.

Nagulat naman si Ara ng makita nya si Thomas.

"Thomas??"

"Ara, good morning."

"Good morning din." Sabi ni Ara at ngumiti.

"Dito ka pala nag sa-Starbucks?"

"Dito kaya tayo sa branch na toh palagi." Sabi ni Ara at umorder na.

Dun lang narealize ni Thomas na dito nga sa branch na toh palagi sila pumupunta ni Ara tuwing umaga pag mag aaral sila or gusto lang nila mag bonding.

"May kasama ka ba?" Tanong ni Thomas ng tapos na sya umorder.

"Wala eh. Tulog pa kasi sila Kim." Sabi ni Ara.

"Tara. Dun ka na umupo sa table ko. Mag isa lang din ako eh." Sabi ni Thomas.

Napangiti naman si Ara at pumayag.

~~~~~~

"Sobrang dami na talagang nag bago dito noh." Sabi ni Ara.

"Oo nga eh. Yung mga barkada natin na sobrang immature dati, ayun. Mas mature pa sa mga matatanda." Kwento ni Thomas at natawa.

"Eh ikaw lang ata ang hindi pa nag babago eh. Hahaha! Sundan mo na kasi sila. Mag asawa ka na rin." Sabi ni Ara.

"Di ko pa magagawa yan eh."

"Bakit naman?"

"May iniintay kasi akong babae..." Sabi ni Thomas at tinignan si Ara sa mata.

Napatigil si Ara at tumingin din sa mga mata ni Thomas.

Napansin ni Thomas na medyo nagiging awkward, kaya binasag nya ang katahimikan.

"Ikaw? Bakit di ikaw ang sumunod sa barkada?" Tanong ni Thomas.

"Di pa ako ready eh."

Tumango lang si Thomas sa sagot ni Ara at uminom ng kape nya,

"Oo nga pala. Nag kita kami ni Krisette nung isang araw." Kwento ni Ara.

"Talaga?"

"Oo. Kinakamusta ka din nya sakin."

"Oh? Anong sabi?"

"Tinatanong kung ano ng ganap sa buhay mo at MIA ka daw palagi. Pati sa binyag ng anak nya, wala ka. Wala ka daw kwentang ex. Hahahaha!"

Si Krisette ay si Arra San Agustin. Naging girlfriend muna sya ni Thomas bago maging sila Ara at Thomas... dati.

"Haha. Hayaan mo. Babawi ako sakanya." Pumeke ng tawa si Thomas dahil double meaning yung huling sinabi ni Ara.

Nabalot nanaman sila ng katahimikan, pero binasag ito ni Ara.

"Thom..."

"Hmm?"

"Will you watch the Coldplay concert next week?"

Nagulat si Thomas sa tanong ni Ara pero sinagot nalang din nya.

"I want to, pero wala pa akong nabibiling ticket eh tapos wala pa akong kasama."

"Ganun ba..."

"Bakit mo naman natanong?"

"Ummm... yayain sana kita na samahan ako manood. Hindi kasi pwede sila Kim at Mika eh." Sabi ni Ara at yumuko dahil sa hiya.

"Huh?"

"Thom, pwede ba natin tuparin yung matagal na nating pangarap?"

~~~~~~

1 week later...

"Look at the staaaars!!! Look how they shine for youuuuuu!!!" Sabay na pag kanta nila Thomas at Ara.

"Salamat at pumayag ka." Sabi ni Ara.

"Ara..."

"Hmm?"

"Come up to meet you. Tell you I'm sorry. You don't know how lovely you are."

"Ara, I'm sorry for hurting you. Sorry kung ipinagpalit kita sa iba. Pinagsisisihan ko ng sobra yun. At inis na inis ako sa sarili ko na hindi ako nag hintay. Ara, mahal na mahal parin kita. Alam kong hindi mo na ako mamahalin pa ulit dahil may boyfriend ka na pero sana mapatawad mo ako." Sabi ni Thomas at hinawakan ang mga kamay ni Ara.

"Boyfriend? Thomas, wala akong boyfriend." Sabi ni Ara.

"Eh sino yung tinatawag mong Babe dun sa reunion?"

"6 years old na pamangkin ko yun, Thomas. Her name is Babelyn, nickname nya yung Babe. Nasa states sya ngayon at tumawag sya nung araw na yun kasi namimiss na nya ako." Sabi ni Ara at natatawa.

"So, single ka?"

"Oo nga."

Biglang niyakap ni Thomas si Ara.

"Ara, I'm so happy. Sana bigyan mo pa ako ng chance. Alam kong hindi ko na maibabalik ang dati, but can we go back to the start?" Tanong ni Thomas na naiiyak na.

"Yes, babe." Sabi ni Ara at niyakap si Ara.

"Oh take me back to the start.."

~~~~~~

"Yan ang story namin ng mommy nyo." Pag tatapos ni Thomas ng kwento sa kanyang apat na anak.

"Grabe daddy! Ang sweet nyo ni Mommy."

"Oo nga eh. Daddy, sana makahanap ako ng katulad mo."

"Mara Christine! Masyado ka pang bata to think about those. Matulog na kayo, okay?"

"Okay!!!" Sabi ng mga anak nya.

"Daddy and mommy loves you all, babies. Good night." Hinalikan ni Thomas ang mga anak nya bago umalis ng kwarto.

Pumasok si Thomas sa kwarto nila ni Ara at naabutan dun si ara na naka earphones habang nakapikit.

Biglang sumampa si Thomas sa kama nila at niyakap si Ara.

"Anong pinapakinggan ng misis ko ah?"

"Our favorite." Sabi ni Ara at tiningnan si Thomas sa mata.

"I love you, Ara. Thank you for coming back."

"I love you too, Thomas."

~~~~~~~

Sorry kung lame dahil pinush ko na tong part na toh ngayon dahil may naisip na akong plot at ayokong mawala pa yun.

Ayan! Happy ending! Hahahahaha

I did not proofread.

COMMENT. VOTE. SHARE (?)

xoxo

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now