A Best Friend's Promise

1.6K 22 1
                                    

Ilang years na nga ba kaming mag kaibigan? 10? 15?

20 actually. 20 years na kaming magkaibigan. Nung bata palang kami, mag best friends na kami.

Kasangga namin ang isa't isa sa kulitan, sa pambubully, sa pag bagsak sa mga quiz namin.

We even made a promise to each other.

"Hindi natin kakalimutan ang isa't isa kahit anong mangyari ah?"

"Promise!"

Natupad naman namin yun. Hindi na kami mapaghiwalay. Gusto namin, palagi kaming magkasama. Pati nga sa school, dapat mag katabi kami sa seat.

***

Sabi nila, once your best friend gets a boyfriend, they'll forget about you.

Di ako naniwala dun. Hindi totoo yun kasi, ako nga nag kaboyfriend, pero never ko naman nakalimutan yung best friend ko.

Pero ako lang pala yung hindi nakakalimot.

1st year college kami nung nagka 1st boyfriend sya. Unang kita ko palang sa lalaki, sumama na yung kutob ko, pero ayoko syang pangunahan.

At first, kasama pa ako sa mga dates nila cause rule din namin yun ng best friend ko na dapat palagi kaming mag kasama.

Pero nung tumagal, di na nya ako madalas kinakausap at niyayaya. Pag niyaya ko naman sya, tatanggi sya kasi may lakad daw sila ng boyfriend nya.

Alam nyo ba yung feeling na bigla kang iniwan sa ere? Yun ang nararamdaman ko.

Kinalimutan nya lahat. Yung friendship namin, yung promise namin, at ako.

But despite all of that, I stayed. I didn't leave kasi mahal ko sya. Di ko kayang mahiwalay sakanya. Tinanggap ko nalang na option ako basta hindi ako malalayo sakanya.

***

Tumagal ng ilang buan ang sitwasyon ko. Ako yung pinupuntahan nya pag mag kaaway sila ng boyfriend nya. Ako yung hahanapin nya pag di nya kasama boyfriend nya.

Hanggang sa napagod na ako. Sabi ko sa sarili ko, "Tama na. Bakit ba umiikot yung mundo mo sakanya? May sarili kang mundo at kailangan mo ding sumaya."

Nang marealize ko lahat ng yun, di ko na sya kinausap. Pag yayayain nya ako, gagawa ako ng excuse para hindi ko sya makasama.

Pag nakakasalubong ko sya, iiwas ako ng tingin or iiba ako ng direksyon. Ginawa ko ang lahat para iwasan sya hanggang sa...

"Mika ano ba?!" Pag tigil nya sakin.

"Ano bang problema?! Bakit bigla mo nalang akong iniwasan?!"

"May buhay din kasi ako, Vic. Di naman pwedeng sayo nalang iikot ang mundo ko."

"Akala ko ba walang kalimutan? Walang iwanan?"

"Wow! Ikaw pa talaga may ganang mag tanong nyan ah. Sige, Vic. Akala ko ba walang kalimutan? Walang iwanan?"

"What do you mean?"

"Ako ba yung nakalimot? Sino ba dito yung nag kaboyfriend lang, kinalimutan na agad ako. Ha? Sino?! Ikaw diba?! Pero kahit ganun, hindi kita iniwan. Hindi kita iniwan sa ere katulad ng ginawa mo dahil best friend kita at nag promise ako sayo! Tiniis ko lahat ng pag ttrato mo sakin ng pagiging second option lang."

"Mika.."

"Pero buti nalang at napagod na ako. Buti nalang tumigil na ako dahil wala namang mangyayari kung mag pakatanga ako sayo at maging buntot mo lang. May buhay din ako and I deserve to be happy."

"Mika, I'm sorry. I'm really sorry."

"I'm sorry din, Vic. I'm breaking our promise. Kalimutan mo na ako."

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now