Drunk Text

1.2K 37 3
                                    

Mika: Ara, tara na!

Ara: Saan naman?

Mika: Anong "saan naman"? You promised me na sasama ka tonight sa bar!

Ara: Ngayon ba yun? Nako! Sorry.. Ang dami ko kasing ginagawa. Malapit na akong grumaduate.

Mika: Hay nakooo! Sige na nga, but ililibre mo ako bukas ah.

Ara: Sige na, sige na! Ingat kayo ah. Wag masyado mag lasing para di sa ibang bahay gumising.

Mika: Ang gago mo.. Bye!!!

Naiwan si Ara na mag isa sa dorm nila. Ang totoo nyan, wala naman talagang gagawin si Ara. Ayaw nya lang talaga pumunta sa mga bar na yan kasi hindi sya sanay.

Pampalipas ng oras, kumain na lang si Ara at nanood ng mga BTS videos. Walang nakakaalam na mahilig sya sa Kpop, except kay Mika Esperanza.

Sa kakanood nya, di na nya namalayan na 12:00 am na pala.

Ara: Jusko! Madaling araw na pala.

Nilapag na ni Ara yung phone nya at natulog na.

*****

3:00am

Nagising si Ara dahil sa cellphone nyang walang tigil sa tunog.

Ara: Ano ba naman tong sila Mika. Sabi ko dalhin yung susi eh.

Kinuha ni Ara ang cellphone nya habang nakapikit yung isang mata nya.

Unknown

Babe

Babr pleade talk to em

Babe patawrin mo na akso pleadr

Mahald na mahak kits

hfidni ko sinasafya

di kos namn mahsl uun eh

babe

pplse come.back

i love you so much

Nagtaka naman si Ara kung bakit may ganun na messages sa phone nya.. at bakit sya tinatawag na babe.

Unknown

Hey dude, wrong number ka... pero sorry about your break up (?). Stop drinking na. Magiging okay din yan. :)


Pagkatapos isend ni Ara yung message nya, triny nya ulit matulog, pero di na talaga kaya. Naisip nya nalang yung nag wrong message sakanya at kung bakit di na sya nag reply.

Dumating sila Mika ng mga 4:30am. Syempre si Ara ang magaalaga sakanila. Nag taka nga si Ara na nakapag drive pa si Mika, eh lasing na lasing na sya.

*****

Mika: Ugghh!! Ang sakit ng ulo ko

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now