Nobody Said It Was Easy

1.3K 45 12
                                    


Since you requested a part 2, and gusto ko din bumawi. Here it is!!!


~~~~~~~~~~~~


Natapos ang concert na iyak ng iyak si Ara. Nabigla nga sila Mika at Kim sakanya, pero sabi nya na masaya kasi sya dahil nakanood na sya finally ng concert ng Coldplay.


Pero, lungkot at sakit talaga ang nararamdaman nya. Puno ng lungkot, sakit at galit ang mga luha nya..


Inintay muna nila Ara na umonti ang mga tao baka umalis ng venue. 

Nang umonti na ang mga tao, nag lakad na palabas sila Mika at Kim pero si Ara naka tayo lang sa pwesto nya. Nakatulala sa isang pwesto kung saan nya nakita ang nakasakit sakanya.

"Huy Ara! Tara na!" Sigaw ni Kim.

"Mauna na kayo. Gusto ko lang ulit maalala yung kanina." Sabi ni Ara. Napatawa pa sya ng mapait dahil double meaning yung sinabi nya.

"Sige! Daan muna kaming 7 eleven tapos dun ka namin hintayin sa kotse." Sabi ni Mika at iniwan na si Ara.

Nang magisa nalang sya, napaupo si Ara sa sahig at umiyak. Kanina nya pa pinipigilan yun.


"Thomas, bakit? Bakit mo ginawa sakin toh? Hindi mo na ba ako mahal?" Bulong ni Ara sa hangin habang umiiyak.


"Ara..."


Nagulat si Ara ng may nag salita. Lumingon sya at nakita si Thomas sa likod nya....






..... kasama yung babaeng kasama nya kanina.


Mika's POV

"Alam kong nakita mo yung nakita ni Ara." Sabi ko kay Kim.

"Di talaga ako makapaniwala na kayang gawin yun ni Thomas. Sya yung taong pinagkatiwalaan ko talaga pag dating sa pagmamahal kay Ara, pero ito lang ang gagawin nya."

"Naaawa na nga ako kay Ara. Break na nga sila ni Bang tapos lolokohin pa sya ni Thomas."

"Napagod na din siguro si Thomas."

"Kung mahal nya talaga si Ara, mag iintay sya. Ang daming sinakripisyo ni Ara para sa relasyon nila."


~~~~~~~


Normal POV

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ni Ara.

"Hindi ba dapata ako ang mag tanong nyan? Anong ginagawa mong mag isa dito? Akala ko kasama mo sila Mika at Kim? Napaka walang kwenta naman yang mga kaibigan mo." Sabi nya na nag painit sa ulo ni Ara.

"Wag mong sasabihin na walang kwenta ang mga kaibigan ko dahil hindi sila ganun!!"

"So, sinisigawan mo ako dahil sa kanila?! PInag palit mo ako sakanila?!"

"Tangina! At ikaw pa talaga ang nag sabi nyan ah?! Buti nga at kaibigan ang ipinagpalit ko sayo, eh ikaw?! Ang bilis mo naman, Thomas. Wala pang 1 week, may nahanap ka ng kalandian! Ikaw yung walang kwenta!! Di ka marunong mag intay! Hindi mo siguro ako mahal."

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now