After All pt. 2

809 28 1
                                    

November 2020

3 months ang nakalipas mula nung nangyari yung gabing yun. 3 months na din nang mag simula kaming maging mag kaibigan ni Thomas.

Alam kong mag kaibigan lang kami pero hindi namin maiiwasan ang maissue dahil may mga shippers kami, kaya napagdesisyunan namin ni Thomas na maging lowkey lang hanggang sa makalimutan na ako ni Bang.

Well, nakalimutan niya na nga ako dahil after 1 month, nagkaroon agad siya ng boyfriend. Amerikano girl! Di ko keri yun.

Nang malaman ito ni Thomas, mas naging madaldal siya at palaging nagyayayang lumabas. Medyo naiilang pa ako sakanya, pero hinayaan ko nalang din.

Sa mga di pa alam, may past kami ni Thomas.

Yep... Thomara Shippers, may past kami.

Pero never naging kami. Never ko siya naging boyfriend at never niya ako naging girlfriend. Hanggang 'more than friends, less than lovers' lang kami umabot.

Mutual decision nung nag hiwalay kami. 2nd year college palang kami so gusto namin mag focus sa mga career namin.

Going back, hindi ko alam kung nag aassume lang ako or yun talaga...

pero feeling ko may gusto ulit sakin si Thomas...

****************

"Ilang months na nga ulit nung nag break kayo?" tanong ni Thomas.

"3 months na. Bakit?"

"Pwede na pala." Sabi ni Thomas at ngumiti.

"Pwedeng ano?"

"Wala wala..." sabi ni Thomas.

Nag taka sa sinabi niya pero nanahimik nalang ako.

"Anong gusto mong panoorin na movie?" tanong ni Thomas na pumutol sa katahimikan namin.

"Aba, akala ko may plano ka na! Dinala dala mo ako dito, di mo pala alam gagawin natin."

"Umm... A quiet place nalang."

"Ay, ayoko. Uwi na tayo." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ara, hanggang ngayon, takot ka parin???" Tanong niya habang tumatawa. Halatang nangaasar ang loko eh.

"Huh? Hindi ah! Tara, panoorin natin yang a quiet place na yan."

Hinila ko na siya papuntang sinehan. Rinig na rinig ko yung pag tawa nya.

Maling desisyon ang ginawa ko.

Ara kasi! Nag tapang tapangan ka pa, alam mo namang takot ka sa mga ganito!

Kasalukuyan kaming nasa loob ng sinehan ni Thomas.

Mag sisimula palang yung palabas pero nakatakip na yung kamay ko sa mga mata ko.

"Ikaw kasi, pinilit mo pa. Alam ko namang takot ka talaga." Sabi ni Thomas.

"Hindi nga kasi ako takot." sabi ko at pinilit na tanggalin ang kamay ko sa mata ko.

"Akin na nga yan." sabi ni Thomas at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sakanya.

"Wag kang matakot, andito lang ako." Sabi niya na nag papula sa mga mata ko. Iniwasan ko siya ng tingin, pero hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Nakahawak lang siya sa kamay ko buong palabas. Siguro papagalitan ako ng mga tao, dahil ang ingay ng tibok ng puso ko.

***************

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now