After All

968 33 4
                                    

"Ms. Ara, ready na po tayo in 5 minutes." sabi sakin ng camera man.

Nginitian ko ito at lumabas na ng dressing room.

Makalipas ng limang minuto ay andito na nga ako. Nakaupo sa tapat ng interviewer, may camerang nag vivideo, at nakangiti.

"Ms. Ara, its the year 2030. After 8 years, ano na ang nangyari?" Tanong ng interviewer.

Ano na nga ba ang nangyari pagkatapos ng walong taon?

Maraming nangyari.

.•°*°•. 10 years ago .•°*°•.

"Vic?! Seryoso ka ba???"

"Seryoso ako. Ayoko na. Napapagod na ako."

"Tangina naman, Victonara!! 5 years sasayangin mo?!?!"

"Bang, hindi porket matagal na yung relasyon natin ay hindi na ako pwedeng mapagod at makipag hiwalay!! Napapagod na ako sayo. Palagi ka nalang nag seselos, pati fans ko pinaseselosan mo. Masyado mong kinokontrol yung buhay ko!!"

*pak*

Napahawak ako sa mukha ko dahil sa sampal na ginawa ni Bang.

"Walang hiya ka, Vic. Maghiwalay na tayo!!"

Tinalikuran ko nalang siya at hinayaang umalis. Nang marinig ko yung pinto na sumara, napabuntong hininga ako.

Ang tagal ko nang hinintay na mangyari yun. Ang tagal ko nang hinintay na maging malaya.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Mika.

"Ye, nagawa ko."

(IM SO PROUD OF YOU ARS!! PAPUNTA NA KAMI NILA KIM DIYAN. MAG PIPIG OUT TAYO NGAYON)

"Thank you, Ye! Pati nadin kay Kimmy."

(Ganun talaga. Friends tayo eh.)

"Naks! Hahaha. Sige, ayusin ko lang yung movie house. Pasok nalang kayo, alam niyo naman kung nasaan yung susi."

(Sige sige. See you Ars!!)

"Ingat kayo."

Tinabi ko na yung phone ko at dumiretso sa movie house para ayusin.

********

"Buti nalang talaga at nakipaghiwalay ka na dun." sabi ni Kim.

"Oo nga. Naaawa na kami sayo kasi kontrolado na kontrolado niya yung buhay mo." dagdag ni Mika.

"Narealize ko nga din yun... Sorry sa mga nagawa ko dati ah."

"Wala yun, Ara. Naiintindihan ka naman namin." sabi ni Mika.

"Nakakabulag talaga ang pagmamahal. Tingnan mo nga si Mika kay Kiefer. Halata nang nagloloko yung gunggong, go parin siya" sabi ni Kim. Bigla namang binatukan ni Mika si Kim.

"Sira ulo ka talaga! Wala nang balikan ng past. Masaya na ako kay Jerome. He's 100 times better than Kiefer noh." sabi ni Mika at inirapan si Kim.

"Ikaw kaya Kim, bulag ka din kaya. Remember Carm-"

"Oops.. Sabi nga ni Mika, wala nang balikan ng past." Natawa naman kami ni Mika kay Kim.

Nagpatuloy ang pagtawanan namin at paguusap hanggang sa makatulog na kaming tatlo.

***********

Secret Love StoryWhere stories live. Discover now