1 ~ Secret

234K 5.2K 78
                                    

"WE LOVE YOU SALEEN!!!" Malakas na sigawan at tilian ng mga fans niya ng lumabas siya mula sa backstage. May mga poster ang mga itong winawayway na may pangalan at mukha niya. Ang iba ay mga nabuong grupo ng mga tagahanga niya. "Nandito lang kami palagi para sumuporta sa iyo!!!"

Isang totoong ngiti ang iginanti niya sa mga ito at kumaway. "Mahal ko din kayo!" Sabi niya at naupo na sa single sofa, katapat ang host ng TV show na siya ang guest.

"Alright, girls and boys, let's stay silent for awhile. Alam kong kanina niyo pa hinihintay ang napaka gandang bisita natin ngayon." The female host smile at her. "Ang nag-iisa at walang katulad, let's all welcome Miss Saleen Lane-Stewart!" Napuno na naman ng hiyawan at palakpakan ang buong studio dahil sa pagpapakilala sa kanya.

Pasimple niyang itinakip ang isang kamay sa tenga niya upang kahit papano ay mabawasan ang ingay na naririnig niya. Ilan taon na siya sa industriya ng showbiz pero hindi niya pa din masanay ang tenga niya sa ingay ng fans niya.

Hindi naman sa ayaw niya, actually masaya siya na madami siyang fans, hindi lang talaga siya sanay sa sobrang ingay na paligid. Hindi niya sinanay ang sarili niya sa tilian at hiyawan dahil sa kanya.

"Ang ingay niyo naman." Biro niya sa fans in nagtawanan lang at nanahimik na din upang makinig sa kanya. "Muntik ng mabasag 'yung eardrums ko." At binuntutan niya iyon ng bungisngis.

"Okey, umpisahan na natin ang game natin ngayon. This is very simple Miss Saleen, you just have to pick what color do you like then we will open it para malaman natin kung anong mga katanungan ang naghihintay na sagutin mo." Inilapit sa kanya ng host ang fishbowl na may iba't-ibang kulay na nakatuping papel sa loob niyon. "Pick one, dear."

Ipinasok niya ang kamay sa fishbowl at napanguso ng hindi makita 'yung favorite color ni Ether na naging favorite color niya din.

"Bakit walang color white?"

"Ahh, ang color white kasi ay sa next game pa. So, kuha ka na." Kinuha niya ang kulay dilaw na papel at ibinigay iyon sa host. "Okey, this question is from one of your fans. Here it is." Nanatili lang siyang nakangiti dahil alam niyang mas lamang sa kanya ang camera, kailangan lagi siyang maganda.

"Miss Saleen, since you are a public person everyone knows your family background, you came from a very wealthy family, your friends were also like you but they keeping their privacy as long as they can, habang ikaw ay pinili naman ang maingay at magulong buhay sa showbiz. What is the reason why you choose to be in your shoes right now than living like a princess inside your castle?"

Tumingin muna siya sa transgender niyang manager. Hindi niya kasi inaasahan na may mga tanong-tanong pala at ang nabunot niya ay ganon pa.

"Go on dear, just say what is in your heart." Her manager mouthed and form a heart shape using her fingers.

She silently took a deep breath. Madami ang nanonood kaya dapat ayusin niya ang sagot niya.

"I choose to be here its because I felt happy everytime I see myself on TV screen and billboards. Sabi nga nila hindi naman natin kailangan mabuhay ng marangya kung hindi ka naman masaya, its not that I am not happy with my family and let them pamper me like a stupid baby princess, of course I love them and I love how they treat me pero hindi habang buhay ay mananatiling munting prinsesa nila ako. Mommy, daddy and my twin Aeon, mahal ko kayo." Kumaway pa siya sa camera habang nakangiti kaya natawa na din ang mga taong nando'n.

"Isa pa gusto ko kasing pinaghihirapan kong makuha 'yung mga bagay na nagpapasaya sa akin." True to her words. Hindi siya tulad ng iba na pa easy easy lang, gusto niya nag-e-effort siya sa isang bagay bago niya iyon makuha. "Kaya nga pinili kong mag-artista kahit hindi naman gano'n kadali ang trabaho namin. Mahirap kaya mapuyat sa mga tapings. But all in all, I am very happy with what I am doing and... happiness is what I always want."

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon