29 ~ Prince Charming

115K 3.7K 162
                                    

A/N: Hi there babes, I was planning about Self-Published. Comment and suggestions? :)


NAPANGITI siya ng makita ang mga batang tila ba kanina pa naghihintay sa pagdating nila. Organisado ang buong lugar at limitadong tao lamang ang mga inimbita nila upang saksihan ang ika-sampung taong anibersaryo ng charity foundation na itinatatag niya kasama ang pamilya niya sampung taon na ang nakakalipas.

"Hindi ko akalain na sampung taon na akong miyembro ng SLS Charity Foundation."

"Correction, you are not just a member, Saleen. You own this charity foundation." Napalingon siya kay Aeon nakatayo sa gilid niya at pinagmamasdan din ang mga batang dati-rati ay sa lansangan lang makikita. "At masaya akong malaman na nakakatulong ka—"

"Tayo."

Aeon chuckled. "Okey, tayo. Nakakatulong tayo sa mga batang nangangailangan ng matutuluyan na hindi naibigay ng pamilyang pinagmulan nila."

"Utang ko ang lahat ng ito kila dad and mom."

"Miss Saleen, sir Aeon." Magalang na lumapit sa kanila ang itinalaga nilang gumabay sa mga bata. "Pasensya na ho kung naabala ko ang pag-uusap niyo."

"Okey lang." Aniya tapos si Aeon at nagkibit-balikat lang. Aeon looks around, and bid a goodbye to them after awhile. Giving them time to talk.

"Maiwan ko muna kayo." Tumango lang siya at hinarap ang babaeng halos kaedad lang ng mommy niya.

"Pwede na po ba tayong magsimula?"

"Yes," Tumingin din siya sa paligid. May iilang media ang bisita nila na sanay na naman siya. Sa bandang entrance naman ay nakita niyang naglalakad papasok ang magulang niya na sinusundan ng apat na bodyguard. "Pwede na, nandito na naman sila dad and mom."

"Sige po. Mag-umpisa na po tayo." Magalang itong umalis sa harap niya at nagpunta sa back stage.

Maya-maya lang ay may lumapit na isang babae sa kanya at iginaya siya sa uupuan niya. Hindi niya na hinintay ang magulang dahil napapagod na din ang paa niya dahil ilan minuto na rin naman silang nakatayo ni Aeon kanina.

Ilang minuto pa ang lumipas ay inumpisahan na ang pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng charity foundation niya.

Sa stage sila nakaupo, kaharap ang mga bata na parang masayang-masaya sa nangyayari. Sa bandang kanan niya ay katabi niya ang mommy niya, sa tabi naman nito ay ang daddy niya. Sa kaliwa niya naman ay si Aeon, sa tabi nito ay ang magkakapatid na Lane, Corvette, Mazda and McLaren na siyang kabilang sa mga sponsor ng Charity Foundation.

Mahina siyang bumuntong hininga ng tila ba hindi kumpleto ang pagdiriwang ng anibersaryong iyon dahil sa kawalan ng presensya ni Von Ether, na taon-taon na kasama niya sa selebrasyon na iyon.

"Mga bata, gusto niyo na bang marinig ang boses ni ate Saleen ninyo?" Tanong ng host sa mga bata na mabilis sumagot.

"Opo!!!" Sabay-sabay na sabi ng mga bata at siyang-siya na nakatingin sa kanya.

"Okey. Dahil diyan ibibigay ko na itong mikropono sa kanya kasi may mensahe siyang sasabihin sa atin. Okey ba sa inyo iyon?"

Sabay-sabay na tumango at sumagot ang mga bata. "Okey po!!!"

"Bigyan natin ng isang masigabong palakpakan ang maganda na—mabuti pa ang puso—Miss Saleen-Lane Stewart!!!"

Napangiti na lang siya sa pagpapakilala sa kanya ng Host bago tumayo at inabot ang mikropono na ibinigay.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon